GMA Logo dingdong dantes
What's Hot

Dingdong Dantes, sumalang bilang contestant sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published September 23, 2023 12:22 PM PHT
Updated September 24, 2023 11:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes


Sumalang bilang contestant sa 'Family Feud' ang mismong game master nito na si Dingdong Dantes. Tumama kaya ang hula niya sa survey board?

For the first time, sumalang bilang isang contestant ang mismong game master na si Dingdong Dantes sa Family Feud.

Sa isang special “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, inimbitahan ni Dingdong ang mga manonood na subaybayan ang pagbabalik ng paboritong game show ng bansa na Family Feud.

Bukod dito, sinubukan ni Dingdong ang maging guest player kung saan si Nelson muna ang nagsilbing game master na magtatanong sa kanya ng survey questions.

Ang mga katanungan na ibinato kay Dingdong ay may kinalaman asawa niyang si Marian Rivera at kanilang mga anak na si Zia at Sixto.

Sa mga teleserye at pelikulang pinagtambalan nila ni Marian Rivera, ano sa palagay ni Dingdong ang pinakapaborito ng kanyang asawa?

Sagot ni Dong, “Marimar, Dyesebel, Endless Love o Jose and Maria's Bonggang Villa.”

Lumabas naman sa survey board ang Marimar at Dyesebel, ngunit ang isang hinahanap na survey answer ay ang 2010 film nila na You To Me Are Everything.

Sumunod naman na tanong ni Nelson kay Dingdong, “Christmas is just around the corner, ano sa tingin mo ang gustong matanggap ni Zia?”

“Cellphone, Pet Dog, Notebooks,” tugon naman ni Dingdong.

Hindi naman lumabas ang sagot niyang cellphone, at pet dog, pero top answer ang notebooks.

Perfect score naman ang nakuha ni Dingdong nang tanungin ang tatlong pinakapaboritong superheroes ni Sixto.

Confident na sagot ng celebrity dad, “Captain America, Iron Man, Incredible Hulk, in that order!”

Ayon kay Dong, pangarap niya rin talagang sumalang sa podium ng mga contestant, pero aminado siyang nakaramdam siya ng pressure nang talagang masubukan ito.

Aniya, “Very challenging. Iba pala talaga kapag ikaw na ang tinatanong, kahit pa gaano ka kahanda e, matataranta ka. Ang saya ng pakiramdam, kaya pala laging nag-e-enjoy ang guests dito sa Family Feud.”

Simula October 2 muling mapapanood ang panibagong season ng Family Feud, kung saan dapat abangan ang mas pina-exciting na papremyo at ang first-ever Family Feud Kids.

Tuloy-tuloy din ang hosting duty ni Dingdong sa mas tumitinding kompetisyon sa The Voice Generations na mapapanood tuwing Linggo ng gabi sa GMA.

Samantala, nagsimula na rin ang taping nina Dingdong at ng kanyang misis na si Marian Rivera para sa kanilang comeback film together na Rewind.

Sa Instagram, ibinahagi ni Dingdong ang behind-the-scenes photos ng kanilang taping day kung saan kinunan ang ilang wedding scenes.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Ang Rewind ay ang unang pelikula nina Dingdong at Marian nang magkasama sa Star Cinema, kasama ang APT Entertainment, at Agosto Dos Media.

Kabilang ang nasabing pelikula sa official entries ng Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre.