
Naghatid ng saya at good vibes ang aktres at komedyana na si Divine Aucina sa mga manonood nang makasama niya ang Latino star na si Fernando Carrillo sa programang Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.
Ipinakakilala ng King of Talk na si Boy Abunda ang aktres kay Fernando at ramdam sa mga galaw ng aktor ang pagkaaliw niya sa komedyana dahil pagiging makuwela, talented, at maganda nito.
Nang tanungin ni Boy si Fernando kung ano ang masasabi nito tungkol sa aktres, sagot ng aktor, “Divine is not only beautiful, but she's [also] talented and she's funny.”
Sa katunayan, tinuruan pa ng Venezuelan actor si Divine kung paano ang tamang pagsayaw ng salsa kaya naman mas lalong tumindi ang saya sa set ng programa.
PHOTO COURTESY: GMA Network (YT)
Dito ay ipinakita ni Divine ang kanyang galing sa pagsayaw dahil mabilis niyang nakuha agad ang bawat step na tinuturo ni Fernando. Inikot-ikot, binuhat pataas, at binigyan pa ni Fernando ang actress-comedienne ng halik sa leeg.
Sa pagbisita ni Divine sa naturang talk show, kitang-kita ang pagiging natural niya sa paghahatid ng saya at ang kanyang kahusayan sa pagkonekta sa mga manonood.
Samantala, mapapanood naman si Divine sa pelikulang Will You Be My Ex? na pagbibidahan nina Julia Barretto at Diego Loyzaga. Ang pagganap ni Divine sa naturang proyekto ay patunay na isa siya sa versatile actresses sa industriya ng showbiz.
TINGNAN ANG MGA MAGAGANDANG LARAWAN NI DIVINE AUCINA SA GALLERY NA ITO: