GMA Logo Divine Aucina
SOURCE: GMA Network
What's Hot

Divine Aucina, excited nang makatrabaho sina Barbie Forteza at David Licauco sa South Korea

By Abbygael Hilario
Published May 24, 2023 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Divine Aucina


Mapapanood si Divine Aucina sa upcoming romantic comedy film na 'That Kind of Love' na pangungunahan nina David Licauco at Barbie Forteza.

Nakarating na ng South Korea ang Kapuso comedian na si Divine Aucina para sa shooting ng upcoming romantic comedy film na That Kind of Love na pagbibidahan ng Sparkle stars na sina David Licauco at Barbie Forteza.

Ayon kay Divine, excited siya na makatrabaho ang Team BarDa dahil kabilang sina Barbie at David sa mga artista na kanyang hinahangaan.

Aniya, "Matagal ko ng gusto maka-work is Barbie, bukod sa parehas kaming maganda, sobrang galing din niya umarte, parehas sila ni David. Kaya, I'll give my all para bigyan ng justice ang role ko here. Kaka-pressure pero go laban!"

Binanggit din ni Divine na ito ang unang beses na nakapunta siya ng South Korea.

“At siyempre super excited na ako to finally be here sa Land of the Authentic Oppa," dagdag pa niya.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mapapanood si Divine sa big screen dahil nakabilang na rin siya sa iba't ibang pelikula gaya ng Bakit Di Mo Sabihin at Iska.

Samantala, bukod sa upcoming romantic comedy film ay makakasama rin si Divine sa cast ng inaabangang Kapuso teleserye na Stolen Life kung saan makakasama niya sina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion.


TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA BARBIE FORTEZA AT DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: