GMA Logo Divine Aucina
What's Hot

Divine, muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa COVID-19 pandemic

By Dianara Alegre
Published February 1, 2021 3:43 PM PHT
Updated February 1, 2021 7:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fallen pine tree causes traffic jam, power outage in Baguio City
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Divine Aucina


Dahil halos isang taong walang trabaho dahil sa COVID-19, inamin ni Divine na binalak na niya noong mag-quit sa showbiz.

Sa isang heartfelt post sa social media, ibinahagi ni My Fantastic Pag-ibig actress Divine Aucina na muntik na siyang magdesisyong iwan ang buhay sa showbiz.

Bilang bahagi ng entertainment industry na labis ding naapektuhan ng coronavirus pandemic, ibinahagi ng aktres na halos isang taon siyang nawalan ng trabaho. Muntik na rin aniya siyang mawalan ng pag-asa na magtutuloy pa ang pinangarap niyang career.

Divine Aucina

Source: Divine Grace (Facebook)

“Half a year ago, I almost decided to quit what I've always loved doing, 'yung pag-arte.

“Katulad ng napakarami kong kasamahan sa entertainment at sa iba pang industry - nawalan rin po ng kabuhayan ng halos isang taon.

“The uncertainties pinned me down to the core; Naiyak ko na lahat ata kay Austin, my long-time friend, thank you for listening 'te,” aniya.

Pero dahil likas na palaban si Divine, mas tinatagan pa niya ang kanyang loob at patuloy na naging positibo na isang araw ay magkakaroon ulit siya ng project.

“I kept praying for another opportunity to spring from every project big or small. Gagalingan at huhusayan kasi passport ko to for the next project. That was the mantra.

“True enough, livestream shows expanded to series. 'Yang kaka-post ko ng mga food vlogs na ine-edit ko sa phone alone for five hours or so, landed me TV guestings.

“'Yang photoshoot ko na 'yan na may singit helped me with bigger projects,” dagdag pa niya.

Gaya ng marami, sobra ring pinadapa ng pandemya si Divine. Pero makalipas ang ilang buwang pagtitiis, nagkaroon ng ilang proyekto si Divine sa GMA Network.

Bahagi siya ng upcoming teleserye na Legal Wives na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Tampok din siya sa latest episode ng Dear Uge Presents na ipinalabas kahapon, January 31.

Divine Aucina at cast ng Dear Uge Presents Only Cielo Touches My Face

Source: Divine Grace (Facebook)

Bukod dito, kasama rin siya sa cast ng bagong fantasy romance anthology na My Fantastic Pag-ibig kasama sina Kim De Leon, Lexi Gonzales, Rodjun Cruz, Maey Bautista, at Mike Liwag, na nagsimula nang umere nitong Sabado, January 30.

“My gosh 2020 what a time. Kala ko ito na 'yun, ito na talaga 'yun.

“Pero hindi pa pala. Ito, proof of life nasa Laguna ako shooting for teleserye na 'Legal Wives.'

"Hinintay ang airing ng two shows which I'm very grateful for, 'My Fantastic Pag-ibig' Sabado, 7:30 pm and 'Dear Uge Presents' Sunday,” aniya.

Divine Aucina at cast ng My Fantastic Pag ibig

Source: Divine Grace (Facebook)

Labis na natutuwa si Divine na mapatunayan na hindi pa pala matutuldukan ang kanyang acting career at lubos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng taong tumulong sa kanyang magkatrabaho ulit.

“Talaga bang nakarating ako sa ganito, sabay ipapalabas on a weekend? My rainbow heart is full, I'm too grateful for everything and everyone na naging daan para magkatrabaho [ako],” aniya pa.

Samantala, mapapanood pa si Divine sa huling bahagi ng My Fantastic Pag-ibig: Love Wars ngayong Sabado, February 6, 7:30 p.m. sa GMA News TV.

Related content:

Comedienne Divine Aucina slays in shorter hair and sexier look