
Mas matimbang ang pagiging brainy para sa stand-up comedian at Meant To Be star na si Divine Tetay.
Ito ang opinyon niya nang maging resource person sa Your Honor sa session na pimagatang "In Aid of Beauty or Brains: Alin ang mas Importante?"
Paliwanag niya sa YouLOL Originals vodcast, “Actually, honestly it should go together. Pero, kung wala ka naman talagang choice siguro pipiliin mo na lang 'yung talino, brains.”
“Kasi, 'pag matalino ka makakahanap ka ng paraan para gumanda ka e. Kasi, kung maganda ka lang well you know lilipas 'yan. Hindi mo siya ma-maintain. You know what, bukod sa salapi ang ganda kailangan mine-maintain.”
Diin pa ni Divine Tetay, “Kasi, as you age magwi-wilt ka para kang bulaklak. So, you need brains like to think kung paano ka magiging fresh palagi.”
First time absent sa session ng Vice Chair na si Buboy Villar at ayon sa ka-tandem niya na si Madam Cha ay busy ito sa taping ng Taskforce Firewall.
Paliwanag ng Kapuso comedienne, “So, ayan na nga po mga honorables hindi po makakarating si Mr. Vice Chair Buboy Villar, hindi siya makaalis sa imbestigasyon sa Taskforce Firewall, pero buti na lang nandito sa GMA ang aking BFF. Ino-nominate ko ngayon bilang Vice Chair Pro Tempore. Let's all welcome, Mikoy Morales.”
Bago ang interview kay Divine, nagawa pang makipag-videocall ni Vice Chair Buboy. Sabi niya kay Madam Cha,
“Ganito na lang po Madam Cha. Tutal nandiyan na rin po muna, puwedeng po bang mag-imbestiga na lang po muna ako dito. Tapos, magbibigay ako ng subpoena sa mga iba pang artista na nandito.”
“Nagbigay ako kay Kylie Padilla ulit ng subpoena, si Kyline [Alcantara] binigyan ko. Siniko ako, siniko ako sa mukha.”
Ulit-ulitin ang chikahan with Divine Tetay sa Your Honor.
RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now