
Masaya umano ang internationally acclaimed actress na si Dolly de Leon sa kanyang single life at pagiging single parent sa apat niyang anak. Sabi pa niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 14, wala siyang oras para sa love life.
Sabi ni Dolly sa GMA Afternoon Prime talk show, sa dinami-rami ng nakakasalubong niyang guwapong Hollywood stars ay wala sa kanila ang nanligaw sa kanya, pero may mga tila "lumalandi" daw.
Aniya, “'Di ko type, ayoko. Wala akong time. Ayoko. I enjoy being single, I love being alone.”
Hindi naman daw umabot sa puntong kailangan niyang sabihin sa mga ito na ayaw niya ng relasyon. Sa halip, tatawanan lang daw niya ito at tatalikuran.
KILALANIN ANG IBA PANG SUCCESSFUL CELEBRITY PARENTS SA GALLERY NA ITO:
Sa kabila ng tinatamasa niyang tagumpay at award-winning roles sa Amerika, aminado naman si Dolly na malungkot pa rin siya sa tuktok, lalo na at ibang-iba ang estado niya doon kumpara sa Pilipinas.
“Like 'pag nandu'n ako, napipilitan akong mag-ingles the whole time. Nakakapagod mag-ingles the whole time, 'di ba? Ta's pag-uuwi ako galing work, tulog na 'yung mga anak ko, wala akong makausap, so yeah, it can be lonely,” sabi ni Dolly.
Ngunit sa kabila nito, positibo pa rin ang pananaw ng aktres at iniiwasan ang maging malungkot.
“Kasi parang sayang naman 'yung biniyaya sa 'kin ng Diyos kung magiging malungkot lang ako,” sabi ni Dolly.
Panoorin ang panayam kay Dolly dito: