
In Trending sa X (dating Twitter) ang hit segment noon ni John 'Sweet' Lapus sa GMA-7 showbiz talk show na Showbiz Central na "Don't Lie To Me".
Sa naturang segment, dumadaan sa matinding lie detector test ang guest celebrity at sa oras na lumabas na 'lie' ang sagot nito, mapapasayaw si Sweet kasama ang kaniyang back-up dancers.
Sa isang punto pa ng segment, ihahagis pa si John pataas na tila isang cheerleader.
RELATED CONTENT: DON'T LIE TO ME HOSTED BY JOHN 'SWEET' LAPUS
Muling nabuhay ang interest ng publiko sa Showbiz Central segment nang i-upload sa TikTok ang edited video kung saan makikita ang frustration ni Senator Risa Hontiveros sa hearing ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality kahapon, September 9, kung saan umiiwas sa sagot ang dismissed Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Ni-retweet ng account ni Senator Hontiveros ang funny video at sa caption ay inimbitahan niya si Direk Sweet, “Baka naman libre ka next week, @KorekKaJohn.”
Sumagot naman si John na: “Pwedeng-pwede Sen. Iready na ang dalawang dosenang back-up dancers!”
Baka naman libre ka next week, @KorekKaJohn! 🙃https://t.co/bS9Y4cqbsi https://t.co/hL3y9WCfRE
-- risa hontiveros (@risahontiveros) September 10, 2024
John Lapus sa next senate hearing ni Alice Guo: pic.twitter.com/I8B5SGXNKi https://t.co/VLo0naSLwI
-- Kai 🦋 (@imnotkaiii) September 10, 2024
Pwedeng-pwede Sen. Iready na ang dalawang dosenang back-up dancers! 😂💪🙌 https://t.co/Jl3sywfCoT
-- John Lapus (@KorekKaJohn) September 10, 2024
Ah pwede din! May swimming pool ba sa Senate? 😂 https://t.co/ssdbj07jll
-- John Lapus (@KorekKaJohn) September 10, 2024
Tumatayong direktor ng sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera si John Lapus.