
Puspusan ang paghahanda ng DustBia o tambalang Dustin Yu at Bianca De Vera para sa kanilang nalalapit na "DustBia Love, Actually" concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa August 8.
Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, ipinarating ni Dustin ang kanilang kagustuhan na mapasaya ang fans sa darating nilang concert.
"Ito na 'yung pinakamalaking gift namin sa kanila since nu'ng paglabas namin ng PBB," sabi ni Dustin. "So expect nila na this time around magkasama na kami at saka mas lalo silang magiging masaya."
Ani Bianca, sobrang hands-on sila at nagbibigay ng input para sa kanilang concert.
"Parang nakailang meetings kami. Even after that, parang Dustin and I would call at night, sabihin namin, 'Magandang idea kaya 'to? Or ganito kaya gawin natin.' Alam mo 'yung laging naglalaro 'yung utak namin," sabi ni Bianca.
"Actually, na-a-appreciate ko and namin na binibigyan nila kami ng freedom because Dustin and I, I believe that we're both very creative in our own way," dagdag niya.
Ayon sa DustBia, hindi dapat ma-miss ng fans ang isang grand reveal sa dulo ng kanilang concert.
"'Pag ia-announce namin 'yung surprise namin, ipapa-off namin 'yung phones nila para walang mag-post. So kailangan nilang pumunta ng concert mismo," sabi ni Dustin.
"May big reveal 'yan," dagdag ni Bianca.
RELATED CONTENT: 'DustBia' shines as Bianca de Vera pulls off a prom-posal for Dustin Yu