
Masaya si Dustin Yu sa pagkakataon na muling makatrabaho sa isang serye si Angel Guardian.
Una nang nagkasama sina Dustin at Angel sa Regal Studio Presents: Ate Knows Best kung saan gumanap sila bilang magkasintahang Dave at Blessie, na napanood noong Oktubre.
Ngayon, patuloy na napapanood sina Dustin at Angel sa primetime series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters. Gumaganap ang aktor bilang Kenneth, suitor ni Iris na mula sa mayamang angkan, habang bumibida naman si Angel bilang Iris Chua, bunso sa apat na magkakapatid na lumaki sa Amerika at bumalik sa Pilipinas para kilalanin ang kaniyang pamilya.
Ayon kay Dustin, magaan makatrabaho si Angel. Kuwento ng aktor, "'Yung unang meet namin nage-get to know each other agad kami para po sa 'Mano Po Legacy.' Magaan katrabaho si Angel, walang bigat. Walang arte kasi si Angel, fun at natural lang."
Sa Facebook, ibinabahagi ni Dustin ang ilan sa mga nakakakilig na eksena nila ni Angel sa nasabing serye.
Patuloy na subaybayan sina Dustin at Angel sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
MAS KILALANIN SI DUSTIN YU SA GALLERY NA ITO: