
Ngayong matatapos na ang Lilet Matias, Attorney-At-Law, magiging abala na ang aktor na si EA Guzman sa kanilang kasal ni Shaira Diaz.
Nauna nang sinabi nina EA at Shaira na ngayong 2025 sila ikakasal sa isang intimate church ceremony sa Silang, Cavite.
Bukod sa pagpapakasal, inaayos na rin nina EA at Shaira ang kanilang bagong business - isang milk tea shop.
"Aayusin ko 'yung bagong business namin ni Baba, tapos aayusin din namin 'yung wedding siyempre, magiging hands on na kami this year," saad ni EA sa panayam ni Suzy Entrata-Abrera na bumisita sa set ng Lilet Matias, Attorney-At-Law.
Kabilang sa wedding entourage nina EA at Shaira ay sina Arra San Agustin, Kaloy Tingcungco, Anjo Pertierra, at Julia Montes.
Ang wedding gown ni Shaira ay bibilhin niya pa sa Korea dahil gustong gusto niya ang kultura nito.
Pahayag niya sa Fast Talk with Boy Abunda, "Bibilin ko sa Korea, kasi sobrang love ko 'yung Korea, 'yung culture nila. Mahilig ako sa K-drama, K-pop, BTS, so gusto ko lagyan ng something very personal sa akin."
Naging engaged sina EA at Shaira noong 2021 matapos ang 11 taon bilang magkarelasyon.
Napapanood si EA sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, samantalang tampok naman si Shaira sa Lolong: Bayani Ng Bayan.
BAGO ANG KANILANG KASAL, BALIKAN MUNA ANG KANILANG ENGAGEMENT PHOTOS SA GALLERY NA ITO: