GMA Logo Efren Bata Reyes
Celebrity Life

Efren 'Bata' Reyes, may mga pamahiin nga bang sinusunod tuwing siya ay maglalaro?

By EJ Chua
Published December 31, 2022 12:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Efren Bata Reyes


Totoo nga bang hindi naliligo ang billiards legend na si Efren 'Bata' Reyes tuwing siya ay sasalang sa laro? Alamin DITO:

Tampok ang kuwento ng billiards legend na si Efren 'Bata' Reyes sa latest episode ng podcast na 'Surprise Guest with Pia Arcangel.'

Sa pakikipagkuwentuhan niya sa host ng online program na si Pia Arcangel, ikinuwento ni Efren ang ilang detalye tungkol sa kaniyang buhay bilang isang kilalang manlalaro.

Isa sa kaniyang ibinahagi ay ang mga pamahiing ibinilin sa kaniya ng mga matatanda na sinusunod raw niya tuwing siya ay sasalang sa pagbibilliard.

Kuwento niya, "May mga pamahiin 'yung mga matatanda, pagka halimbawa 'yung dati kong suot, kahit lumang-luma na e 'yun ang sinusuot ko dahil 'yun ang nananalo eh.”

Natatawa pang ikinuwento ng 'The Magician,' “Sa tubig naman, halimbawa, akala nila may agimat ako. Bago ako maglaro ng bilyar, hindi muna ako maliligo baka mabasa, mawawalan ng bisa 'yung agimat,"

Isa sa nilinaw ng host na si Pia kay Efren ay kung totoo bang hindi siya naliligo bago sumabak sa kaniyang mga laban.

Sagot ng manlalaro, "Hindi eh. Kasi 'yun ang naiisip ko dahil sa sinasabi ng matatanda eh, binigyan ka ng bisa, kapag nabasa wala nang bisa.”

“Pagka talo ka na, galing ka sa talo, iligo mo na," dagdag pa niya.

Kapag sunud-sunod naman raw ang kaniyang panalo ay hindi muna siya naliligo.

Bukod dito, ikinuwento rin ni Efren na iniiba raw niya ang kaniyang pangalan noon sa mga kompetisyon upang hindi siya iwasan ng kapwa niya mga manlalaro.

Pagbabahagi niya, "Bago ako magpunta ng Amerika, alam ng mga tao doon na darating na ako, na darating na ang Efren 'Bata' Reyes sa Amerika, eh siyempre paano ako makakalaban, paanong may lalaban sa akin doon kung 'yun kaagad alam nila na ako 'yun?”

"So 'yung pangalan ng kasama ko ginamit ko, 'yung Cesar Morales, eh hindi naman nila alam ang mukha ko eh, pangalan lang," dagdag pa niya.

Taong 1987 nang magsimulang makilala at tawagin si Efren na 'The Magician.'

Samantala, matatandaang nagkaroon ng espesyal na partisipasyon si Efren 'Bata' Reyes sa GMA series na Bolera.

TINGNAN ANG ILANG MGA LARAWANG KUHA SA SET NG 'BOLERA' KASAMA SI EFREN REYES SA GALLERY SA IBABA: