GMA Logo Elle Villanueva at Derrick Monasterio
What's on TV

Elle Villanueva at Derrick Monasterio, nagbigay ng opinyon tungkol sa paghihiganti

By Jimboy Napoles
Published January 3, 2024 6:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva at Derrick Monasterio


Kailan makatarungan at kailan masama ang paghihiganti? Alamin ang sagot ng 'Makiling' stars na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Mapapanood na simula ngayong January 8 sa GMA Afternoon Prime ang mystery revenge drama na Makiling na pinagbibidahan ng celebrity couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Pero bago ito, sumalang muna sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan sina Elle at Derrick kung saan ikinuwento nila ang ilan sa mga dapat abangan sa kanilang mga palabang karakter.

Kuwento ng aktres na si Elle, marami siyang natutunan sa role niya sa Makiling bilang si Amira.

Aniya, “You'll discover so much more sa mind ng isang tao kung bakit niya ginagawa [ang isang bagay]. 'Yan ang isa sa biggest learnings ko sa pagganap ko sa character ko.

“I hope na ma-realize din ng viewers, ng audience na whenever they see the story of Amira, marami silang matututunan e. Kung bakit 'to nagagawa ng isang tao. Kung anong klaseng drive ang meron ang isang tao at kung bakit nagkakasala ang isang tao.”

Nagpahapyaw naman si Derrick kung paano iikot ang istorya ng kanilang pinagbibidahang revenge drama.

“Kuwento ito ng isang babae na binu-bully at siya ay maghihiganti. Basically 'yan ang gist,” ani Derrick.

Dagdag pa ng aktor, “Kasi 'di ba Tito Boy ang istorya ni Makiling, parang people takes so much from her, parang inaabuso nila 'yung nature. So, parang ang dating naghiganti si Makiling sa mga tao. So, parang in a sense ay 'yun ang inspiration ng character niya ni Amira.”

Dahil ang serye ay may tema ng paghihiganti, tinanong ng batikang TV host ang dalawa, “Kailan ang paghihiganti ay makatarungan at kailan ito masama?”

Unang sumagot si Elle. Ayon sa aktres, maraming paraan upang maghiganti.

Sa totoo lang Tito Boy, when our emotions are heightened hindi mo naiisip kung ano 'yung tama sa mali e, you're just acting on your emotions 'di ba? So, minsan hindi mo na alam sumusobra ka na pala and that's what I learned before kasi dati nung bata pa ako, I would act on my emotions, aggressive, 'di ba?

“Pero, as I mature, iniisip ko, hindi naman kailangan manakit ng tao e. Puwede kang mag-revenge na sariling loob mo 'yung papagandahin mo. It's the type of revenge that I would go for,” ani Elle.

Sumang-ayon naman dito si Derrick. Aniya, “Kapag halimbawa, napag-isipan mo na, naupuan mo na, set emotions aside, tapos gusto mo pa ring mag-revenge, hindi ko sinasabing tama, pero valid na 'yung nafi-feel mo.”

Sa hiwalay na interview naman ni Nelson Canlas sa Makiling lead stars, ibinahagi ni Elle na marami rin siyang natutunan sa kanyang karakter bilang si Amira.

Kuwento ni Elle, hindi laging perpekto ang isang biktima. Aniya, “I think it's a privilege to play this role kasi it opened up me to feelings that I didn't know that was there.

"It made me understand people kung bakit nila nagagawa 'yung mga action na 'yun. Kapag victim ka, gusto nila nakikita sa'yo inosente ka, pero ang reality is hindi naman perfect ang victim, may mga mali rin naman sila. So, it opened up me to that perspective.”

Ibinahagi naman ni Derrick ang bonding moments nila ng cast sa naging taping ng Makiling kabilang ang paliligo nila sa ilog.

“'Yung location kasi namin may malapit na ilog, naligo kaming lahat sa ilog. May dala kaming shampoo, sabon. So, para kaming mga bata na never kong na-experience sa buong buhay ko,” masayang sinabi ng aktor.

Dagdag pa ni Elle, “Nakaka-enjoy po a. Kasi sa bundok din po kami nagsu-shoot tapos ang mga kasama namin, mga ka-age namin, so, wala kaming ibang ginawa kung 'di magtawanan kapag break.”

Makakasama nila Elle at Derrick sa Makiling ang iba pang Kapuso stars na sina Thea Tolentino, Kristoffer Martin, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Claire Castro, at Teejay Marquez.

RELATED GALLERY: Elle Villanueva, pina-background check si Derrick Monasterio