GMA Logo Elle Villanueva
What's Hot

Elle Villanueva, may hiling para sa kaniyang susunod na serye

By Kristian Eric Javier
Published June 10, 2024 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva


Anong role kaya ang gustong gampanan ni Elle Villanueva sa susunod niyang serye?

Hindi maitatanggi na naging successful ang katatapos lang na revenge drama series na Makiling na pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero sabi ng aktres, may kaunting kahilingan lang siya para sana sa susunod niyang proyekto.

Sa interview ni Elle kay Aubrey Carampel para sa Unang Hirit, sinabi ng aktres na gusto naman niyang makagawa ng isang action series.

“Medyo nakaka-drain na palaging umiiyak. Next sana is 'yung mala-Angelina Jolie na parang Salt, 'yun ang dream ko,” sabi niya.

Matatandaang nag-training na si Elle ng martial arts na jiu-jitsu para sa kaniyang role sa serye.

Samantala, bilang selebrasyon ng kanilang katatapos lang na serye ay nag-organisa ang fans ni Elle ng isang get together para sa kaniya. Anang aktres, ito ang first time niyang magkaroon ng fans day kaya ikinagulat niya ang pagpunta ng fans, lalo na at suot nila ang favorite color ng aktres na yellow.

“Nagulat ako na nandito silang lahat and finally nakita ko na din 'yung iba so tuwang-tuwa ako na nakita ko na silang lahat. Lahat pa sila naka-yellow,” sabi niya.

Thankful naman siya sa love and support na bigay ng kaniyang fans at sinabing sila ang dahilan kung bakit naging successful ang kanilang serye.

“Super happy, kasi nakikita ko 'yung comments ng iba, nakikilala ko na din kung sino 'yung nagme-message,” sabi niya.

BALIKAN ANG TOP GIGIL SCENES SA FINALE NG 'MAKILING' SA GALLERY NA ITO:


Bilang pahinga mula sa kanilang tapings, nagbakasyon muna si Elle kasama ang boyfriend at love team na si Derrick sa La Union. Tumuloy sila sa bahay ni Voltes V: Legacy actress Ysabel Ortega, kasama si Miguel Tanfelix.

Sa video na pinost ni Ysabel sa kaniyang Instagram account, makikitang maluha-luha na si Elle na nakasandal kay Derrick habang kumakain.

Paliwanag niya rito, “'Yung post ni Ysabel, talagang palabas na 'yung luha ko e. Sabi ko, 'Tita, ayoko na, pero ang sarap ng mga niluto mo.'”

Pag-amin pa ni Elle, “I gained weight.”

Isang post na ibinahagi ni Maria Ysabel Ortega (@ysabel_ortega)


Sa ngayon, abala si Elle sa paggawa ng advocacy film na Neophyte kasama sina Derrick at Black Rider star Jon Lucas.

Panoorin ang buong interview ni Elle dito: