GMA Logo temple of leah
Photos from Temple of Leah
Celebrity Life

Ellen Adarna, ibinunyag na imbakan lang ng gamit ng kaniyang lola ang Temple of Leah noon

By Hazel Jane Cruz
Published June 12, 2026 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift makes history as youngest woman inducted into Songwriters Hall of Fame
Health workers group in Iloilo seeks P250 increase in daily wage
Check out this fun 'How to Train Your Dragon'-themed Viking adventure

Article Inside Page


Showbiz News

temple of leah


Inihayag ni Ellen Adarna na hindi orihinal na itinayo ang Temple of Leah para maging pasyalan pero isa na itong sikat na tourist destination sa Cebu.

Nagbahagi si Ellen Adarna ng isang nakakagulat na detalye tungkol sa Temple of Leah, isa sa mga kilalang tourist destination sa Cebu na pag-aari ng kanilang pamilya.

Itinayo ito ng kaniyang yumaong lolo na si Teodorico Adarna bilang parangal sa kaniyang asawang si Leah, na dahilan kaya ito tinawag na "Taj Mahal of Cebu."

Gayunpaman, inihayag ni Ellen sa panayam sa kaniya kamakailan ni Melai Cantiveros na hindi ito orihinal na itinayo bilang pasyalan kundi bilang imbakan ng mga gamit ng kaniyang lola.

"Actually, isang hoarder ang lola ko. Hindi dapat tourist spot 'yun, originally, hindi talaga dahil maraming gamit ang lola ko sa bahay," pagbunyag ni Ellen.

Ayon kay Ellen, tutol ang kaniyang lola na ipagbili ang kaniyang mga ari-arian at minsan pa itong nagbiro na mumultuhin niya ang sinumang magtangkang magbenta ng mga ito. Dahil dito, naisip ng kanilang pamilya na gamitin ang kanilang lupain sa Busay, Cebu, kung saan itinayo ang templo, bilang storage area para sa mga gamit nito.

"Kaya dapat ay storage 'yun ng kaniyang mga gamit," dagdag niya.

Ikinuwento rin ni Ellen na ang kakaibang Roman-inspired design ng gusali ay bunga lamang ng kagustuhan ng kaniyang lolo. "Storage 'yun na ganoon ang design. Trip lang din ng lolo ko dahil wala siyang magawa," aniya.

Kalaunan, naging popular itong destinasyon nang magsimulang dumagsa ang mga bisita. Dahil sa lumalaking interes ng publiko, napagdesisyunan ng pamilya na gawing negosyo ang lugar.

"Pinupuntahan na siya ng mga tao, doon nagde-date ang mga nagpapa-picture. Kaya ginawa na lang siyang negosyo," saad ni Ellen.

Pabirong sinabi rin ng aktres na maaaring nakaapekto ang kuwento ng kaniyang lolo't lola sa mataas niyang standards pagdating sa pag-ibig.

"Kaya mataas ang standard ko sa lalaki dahil binigyan ng templo ang lola ko, tapos tayo bibigyan lang ng sakit ng ulo?" biro niya.

Ayon pa kay Ellen, tinawag itong Temple of Leah dahil doon inilipat at inilagay ang halos lahat ng mga personal na gamit ng kaniyang lola.

Bukod sa pagiging tourist attraction, events venue at photoshoot location din ang Temple of Leah. Nagsimula ang konstruksyon nito noong 2012 at binuksan sa publiko noong 2015.

RELATED FEATURE: Female celebrities with Cebuano roots