GMA Logo Eman Bacosa Pacquiao
What's on TV

Eman Bacosa Pacquiao, reresbak ngayong gabi sa 'Never Say Die'

By Marah Ruiz
Published April 24, 2026 1:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE – PBBM visits Batangas City to boost support amid Middle East crisis | GMA News
Man in Tagum nabbed for allegedly abusing own niece
Fitz Shioda On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Eman Bacosa Pacquiao


Mapapanood na ngayong gabi si Eman Bacosa Pacquiao sa 'Never Say Die.'

Sa wakas, mapapanood na ang pinakaaabangang paglabas ng boksingerong si Eman Bacosa Pacquiao sa GMA Prime action-drama series na Never Say Die.

Ngayong gabi, April 24, makikita siya sa serye bilang bagong protektor ng bidang si Star of the New Gen Jillian Ward.

Source: gmadrama

Ito ang unang pagsabak ni Eman sa acting kaya aminado siyang nakaramdan siya ng kaba.

Pero kasabay nito, lubos din niyang na-enjoy makatrabaho ang mabuting kaibigan niyang si Jillian.

Sa pagitan pa ng kanilang mga eksena, tinuruan ni Eman si Jillian na maglagay ng handwraps.

Binigyan din ni Eman ng pagkakataon si Jillian na mag-sparring sa boxing ring kasama niya.

Abangan si Eman Bacosa Pacquiao sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.