
Makakasama na ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates sa The Secrets of Hotel 88 ang kapwa nilang former housemate na si Emilio Daez!
Gagampanan ni Emilio ang papel ni Juan Soliman na hinahanap ang nawawalang ama na si Sandro (Christian Vasquez).
Nitong mga nakaraang episode, nahuli na si Roi (Alwyn Uytingco), ang taong pinagsususpetsuhan ng Alamazan Siblings at Fernandez Brothers na nakapatay sa kanilang mga ama na sina Frederico (Dominic Ochoa) at Michael (Gardo Verzosa).
Ngunit hindi umano kumbinsido si Leon (River Joseph) at piniling imbestigahan kung sino nga ba ang dapat ka-meeting ng ama noong araw na pumanaw ito. Dito, nalaman niyang si Sandro dapat na ka-meeting ng ama, ngunit hindi siya nagpakita.
Sinubukan din ni Leon na puntahan ang hotel kung saan nanatili si Sandro para malaman ang kalagayan at kinaroroonan nito, ngunit hindi maaaring ibigay ng hotel ang kahit anong detalye tungkol dito.
Sa di-kalayuan, narinig ni Juan ang paghahanap ni Leon sa kaniyang ama, kaya naisip nitong hinahanap din ng Almazan family ang diumano'y nakatagong ginto sa isla. Kaya naman, ang susunod na iimbestigahan ni Juan, ang pamilya Almazan, para malaman kung may kinalaman nga ba sila sa pagkawala ng kaniyang ama.
Abangan si Emilio Daez sa The Secrets of Hotel 88, Monday to Friday, 9:35 p.m sa GMA Prime. Napapanood na rin ang serye sa iWant TV. Mapapanood din ang late telecast nito sa GTV at sa Kapuso Stream
TINGNAN ANG ILANG CANDID MOMENTS SA LIKOD NG CAMERA NG 'THE SECRETS OF HOTEL 88' SA GALLERY NA ITO: