GMA Logo Eugene Domingo in TiktoClock
What's on TV

Eugene Domingo, nag-enjoy sa pag-guest sa 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published November 21, 2022 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Eugene Domingo in TiktoClock


Nakasama nina Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo si Eugene Domingo ngayong November 21 sa 'TiktoClock.'

Ibinahagi ni Eugene Domingo na siya ay nag-enjoy bilang guest Tiktropa ngayong Lunes (November 21) sa TiktoClock.

Sa episode na ito, nakasama niya ang mga host ng TiktoClock na sina Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo sa iba't ibang masasayang segments tulad ng Hale Hale Hoy at Boy Romantiko kung saan naharana pa si Eugene.

Eugene Domingo in TiktoClock

PHOTO SOURCE: @eugenedomingo_official

Si Eugene rin ang unang sumabak sa bagong paandar ng TiktoClock na Abs 'O Absent.

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Ani Eugene, masaya siya na nakapag-guest siya sa morning variety show ng GMA Network.

"Pampasaya sa lunes! @gmanetwork @itspokwang27 @tiktoclockgma. Super enjoyed this guesting!"

Saad pa ni Eugene, sana ay makabisita siya muli sa TiktoClock.

"Thank you @tiktoclockgma! Sa uulitin!"

A post shared by Ms. EUGENE 🇵🇭🇮🇹💝 (@eugenedomingo_official)

Balikan ang full episode ng pagbisita ni Eugene sa TiktoClock at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.