
Nagbigay ng babala ang aktres at comedienne na si Eugene Domingo tungkol sa isang fake Instagram account gamit ang pangalan niya.
Sa Instagram, pinost ni Eugene ang picture ng profile ng fake account kung saan makikitang ginamit ang ilang sa kaniyang mga litrato para dito. Makikita ring meron nang 39 posts at 126 followers ang nasabing account.
Caption ng aktres sa kaniyang post, “This is not MINE. Wala akong back up account. Huyyy! @eugenedomingo_backup_account STOP mo yan!!!”
Nagbigay rin ng paalala si Eugene sa kaniyang mga followers tungkol sa mga lumalabas na accounts umano niya.
Sulat ng aktres, “FYI--- for our safety and responsibility. Please know that - I have NO other public social media account but this one- with ig verification. NO FB NO THREADS or X NO IG BACK UP ACCOUNT ”
“Be safe, my dear followers!” pagtatapos niya ng kaniyang post.
Isa si Eugene sa celebrities na biktima ng pagkakaroon ng fake account. Kamakailan lang ay nagbabala rin ang Lilet Matias: Attorney-at-Law actress na si Jo Berry sa lumabas na fake accounts na ginagamit naman ang pangalan ng kaniyang karakter na si Lilet.
“HINDI PO SA AKIN ANG MGA ACCOUNT NATO!" paglilinaw ni Jo.
Muntik na ring mabiktima kamakailan lang ang social media influencer na si Rosmar Tan ng nagpapakilalang dating child actor na si Jiro Manio. Ani Rosmar, lumapit umano ang aktor sa kaniya sa pamamagitan ng social media para magpatulong makahanap ng trabaho.
Bilang fan ay hiniling ni Rosmar na makipagkita muna, ngunit tumanggi ang indibidwal. Nagbigay naman ng babala ang talent manager at entertainment reporter na si Ogie Diaz na hindi ang totoong Jiro ang kausap ng social media influencer.
Sa Facebook account ni Ogie ay sinabihan niya si Rosmar, “Rosmar, fake account po yung kausap nyong Jiro Manio. Kung sino sino po ang tsina-chat niyan. Baka mabudol ka. Kausap ko yung totoo, and through us, pakisabi na hindi raw siya yon. Okay ang tumulong, pero wag sa nagpapanggap na nangangailangan.”
BALIKAN ANG ILAN PANG CELEBRITIES NA NAGING BIKTIMA RIN NG FAKE SOCIAL MEDIA ACCOUNTS SA GALLERY NA ITO: