GMA Logo Eula Valdes and Euwenn Mikaell in Forever Young
What's on TV

Eula Valdes, pinuri ang husay ni Euwenn Mikaell sa 'Forever Young': 'Magaling 'yung bata'

By Aimee Anoc
Published October 10, 2024 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Eula Valdes and Euwenn Mikaell in Forever Young


Bukod kay Michael De Mesa, humahanga rin maging ang beteranang aktres na si Eula Valdes sa husay ni Euwenn Mikaell sa 'Forever Young.' Alamin dito.

Humanga ang beteranang aktres na si Eula Valdes sa husay na ipinamalas ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell sa upcoming afternoon series na Forever Young.

Sa inspiring family drama, makikilala si Eula bilang Esmeralda Vergara, ang pangunahing kontrabida sa serye, na isang politiko.

Bibida naman si Euwenn bilang Rambo Agapito, isang 25-year-old na may panhypopituitarism, isang rare medical condition kung saan naapektuhan ang paglaki nito. Sa kabila ng kaibahan, lalaban ito bilang mayor ng bayan ng Corazon.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, pinuri ni Eula ang galing ni Euwenn. Aniya, "Hindi siya bata e. Matanda na 'yang batang 'yan, nagkukunwari lang siyang bata.

"Tingnan natin kung hanggang kailan n'ya mapu-pull off 'yung akala ninyo bata s'ya. Dahil hindi siya bata, cute lang siya.

“Matalino 'yang batang 'yan kaya naniniwala ako na marami siyang napapanalunang award. Magaling 'yung bata," dagdag niya.

Bukod kay Euwenn Mikaell, makakasama ni Eula sa serye sina Michael De Mesa, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.

Abangan ang Forever Young, simula October 21, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.