
Umaapaw ang pagbating natanggap nina Euwenn Mikaell at Alfred Vargas mula sa kanilang fans, kapwa celebrities, at maging sa kanilang Forever Young family.
Kapwa kinilala kamakailan sina Euwenn at Alfred sa naganap na 72nd Filipino Academy of Movie Arts & Sciences (FAMAS) Awards.
Sa FAMAS Awards 2024, pinarangalan si Euwenn bilang Best Child Actor para sa award-winning film na Firefly, habang naiuwi naman ni Alfred and Best Actor award para sa natatanging pagganap sa pelikulang Pieta.
Ngayong Lunes (June 3), isang behind-the-scene ang ipinakita ni Euwenn mula sa set ng Forever Young kung saan makikita siya kasama ang pamilya sa serye na sina Alfred, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, at Direk Gil Tejada. Kapwa hawak din nina Euwenn at Alfred ang mga tropeyong natanggap nila mula sa prestihiyosong award-giving body.
"Yay! Congratulations Tatay Gregory (Alfred). Group hug mga Agapitons Euwenn, Althea, Princess," pagbati ni Nadine.
Sa Forever Young, makikilala si Euwenn bilang Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10 year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Related gallery: Cast ng 'Forever Young,' nagkita-kita na sa kanilang story conference
at script reading
Makakasama rin nila sa serye sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at James Blanco.
Abangan ang Forever Young, soon sa GMA Afternoon Prime.