
Extended ang birthday celebration ng Forever Young star at award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell nang makatanggap ng sorpresa mula sa kanyang fans.
Sa Instagram, ipinakita ni Euwenn ang picnic birthday celebration kasama ang mga tagahanga na tinawag niyang Euwennation Family.
Nagpasalamat naman si Euwenn sa sorpresang natanggap at sa mga tagahangang pumunta.
Ipinagdiwang ni Euwenn ang kanyang 12th birthday noong January 14 sa Ilocos Sur, kung saan kinuhanan ang ginagawang pelikula na Samahan ng mga Makasalanan.
Ilan sa aktor na makakasama niya sa upcoming GMA Pictures film ay sina Sanya Lopez, David Licauco, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Buboy Villar, Liezel Lopez, at Jay Ortega.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Euwenn sa kanyang unang TV lead role bilang Rambo sa family drama series na Forever Young, na mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG BIRTHDAY SURPRISE NA NATANGGAP NI EUWENN MIKAELL MULA SA CAST AT CREW NG BAGONG MOVIE DITO: