Showbiz News

WATCH: 'Pinulot Ka Lang sa Lupa' stars Julie Anne San Jose at Martin del Rosario, dinayo ng libo-libong fans sa Ati-Atihan Festival show

By BEA RODRIGUEZ


Mainit na tinanggap ng mga Ilonggo sina Pinulot Ka Lang sa Lupa stars Julie Anne San Jose at Martin del Rosario sa kanilang Ati-Atihan Festival show sa Kalibo, Aklan.

Kinanta ni Asia’s Pop Sweetheart ang ilan sa kanyang mga covers pati ang original song na “Naririnig Mo Ba?” mula sa kanyang latest album na “Chasing the Light.”


Ibinahagi ni Julie Anne sa eklusibong panayam ng GMANetwork.com ang kanyang karanasan sa pista, “[I’m] very thankful for the warm welcome. I enjoyed the night, and to see everyone with smiles on their faces [is] just priceless. I hope to be back soon.”

Samantala, nagtungo papuntang Cebu ang Kapuso stars para makisaya sa Sinulog Festival kasama ang co-stars nilang sina Benjamin Alves at LJ Reyes.

Magkakaroon ng dalawang show ang Kapuso stars bukas (January 13) na hatid mismo ng GMA Regional TV.


Subaybayan na sina Santina, Ephraim, Angeli at Kiko sa nalalapit na pag-eere ng GMA Afternoon Prime drama remake ng Kapuso network ngayong buwan.

READ: Julie Anne San Jose, Benjamin Alves, LJ Reyes at Martin del Rosario, sumabak na sa taping ng ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’