Showbiz News

'Voltes V: Legacy' cast, nabighani sa ganda ng Iloilo

By Aedrianne Acar

Tumatak sa memory ng Voltes V: Legacy cast ang naging experience nila nang bumisita sa Iloilo, para makisaya sa Dinagyang 2023 festival.

Full-force sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores, at Raphael Landicho nang nagbigay saya sa mga Kapusong Ilonggo sa Robinsons Iloilo para sa kanilang grand mall show.

Ayon kay Ysabel Ortega na gumaganap bilang Jamie Robinson, ramdam niya ang hospitality ng mga tao sa Iloilo.

Saad niya sa panayam ng GMA Regional TV One Western Visayas, “Very grateful na nakasama ko 'yung Voltes Team dito sa City of Love or sa Iloilo and ramdam na ramdam namin 'yung love ng mga Ilonggo”

Para naman kay Sparkle heartthrob Radson Flores na agaw atensyon ang mga Spanish-inspired house na matatagpuan sa Iloilo City.

Paliwanag ng StarStruck alum, “Napansin ko ang ganda ng mga infrastructure nila dito, parang very Spanish 'yung mga bahay ganun. Gusto ko pa po malibot 'yung city.”

Excited din ang child star na si Raphael Landicho na makapaglibot-libot din sa probinsya.

Lahad niya, “Mag-explore po. Tingnan ko po kung paano 'yung tradition na ginagawa ng mga Ilonggo.”

Noong January 1, ipinalabas na ng GMA Network ang mega trailer ng Voltes V: Legacy na umani na ng milyun-milyon views online at pinuri ng netizens at fans.

Ayon kay Miguel Tanfelix na gaganap bilang Steve Armstrong, sabik na siya mapanood ng mga Pilipino ang pinaghirapan nila ng bumubuo ng live-action adaptation ng well-loved Japanese Anime.

“Sana magustuhan n'yo”, sabi ni Miguel, “Pinaghirapan namin ito e. Dugo, pawis, luha [ang binigay namin].”

MORE PHOTOS FROM THE VOLTES V: LEGACY CAST AS THEY EXPLORE ILOILO: