
Isang dream come true para sa isang Bakekang fan ang makita si Sunshine Dizon nang personal.
Pero iba ang level ng saya ni Kapuso comedienne Lovely Abella ngayong makakatrabaho niya ang batikang aktres sa upcoming soap na Magkaagaw.
Kuwento ni Lovely sa GMANetwork.com, isang pribilehiyo ang makatrabaho ang kanyang idolo kaya ginagawa niya ang lahat para matuto dito.
Aniya, “Marami akong natutunan sa kanya, in fairness at sine-share niya talaga sa akin 'yung mga nalalaman niya sa industriya.
“Siyempre hindi pa naman ako ganun katagal tapos iba 'yung feeling 'pag fan ka, e.
“Kasi ganun pa rin naman ako e. Nagsimula ako na hindi naman ako artista.
“So, 'pag may napapanood ako noon tapos nakikita ko ngayon, nagiging super fan talaga ako.”
Dagdag pa niya, hindi raw nagbabago ang kanyang pagtingin sa idolo at nirerespeto niya ito kahit na nagiging matalik na magkaibigan na sila on-set.
“I don't care kung artista na ako ngayon. Pinapakita ko talaga na fan ako. Na, ina-admire ko pa rin sila.
“Minsan nararamdaman ko na close na kami pero 'yung distansya as respeto ko sa kanya nandun pa rin yun.”
Kamakailan, naikuwento ni Lovely sa kanyang Instagram na isa siyang super fan ni Sunshine at minsa'y gusto na niyang pumasok sa telebisyon para lang ipagtanggol ito.
Abangan si Lovely bilang si Suzi sa Magkaagaw simula October 21 sa GMA Afternoon Prime.
LOOK: Lovely Abella aminadong no. 1 fan ni Sunshine Dizon at ng 'Bakekang'
Sunshine Dizon, nagsalita tungkol sa kanyang pagganap bilang kabit sa 'Magkaagaw'