GMA Logo faith da silva on wish ko lang
Photo source: Wish Ko Lang
What's Hot

Faith Da Silva, nagustuhan ang sweet role sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published November 18, 2021 3:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino says holidays have been 'heartbreaking': 'Kakayanin ko pa ba?'
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

faith da silva on wish ko lang


Gaganap si Faith Da Silva bilang si Cristine sa upcoming 'Apoy' episode ng 'Wish Ko Lang.'

Kakaibang Faith Da Silva ang mapapanood sa Sabado sa bagong Wish Ko Lang dahil malayo ito sa kasalukuyan niyang role bilang si Scarlet sa GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas.

Ayon kay Faith, nagustuhan niya ang sweet na karakter ni Cristine sa bagong Wish Ko Lang.

"Ang gagampanan ko po na role dito ay si Cristine, ang makikilala ni Joshua [Martin Del Rosario] na mamahalin niya nang tunay," pagbabahagi ni Faith.

"Gusto ko po itong project na ito dahil kakaiba s'ya from my past characters, sa mga nagampanan ko na before. Ngayon ay mabait ako, sweet," dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Faith ang mga natutunan sa upcoming "Apoy" episode ng bagong Wish Ko Lang, kung saan makakasama niya sina Maureen Larrazabal, Coleen Paz, Pipay, at Sharmaine Arnaiz.

"Ang natutunan ko rito is to be not materialistic, na may mga bagay naman na hindi natin kailangan sa buhay natin but we would often go for it. Sa huli, pagmamahal pa rin talaga ang nananalo."

Huwag palampasin ang nagbabagang episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, November 20, alas-4 ng hapon sa GMA.

Panoorin ang teaser ng "Apoy" episode sa Wish Ko Lang:

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Faith Da Silva sa gallery na ito: