Showbiz News

Glaiza De Castro, aminadong hindi pa handang magkaanak

By Kristian Eric Javier

Aminado ang The Seed of Love star na si Glaiza De Castro na hindi pa siya handang magkaanak, at aware at okay daw ito sa asawa niyang si David Rainey.

“Talagang kaming dalawa ni David, very aware kami dyan na 'Let's not do this this time' kasi nga parang sobrang bago pa lang po namin na mag-asawa,” sabi ni Glaiza sa interview niya para sa online entertainment show na Marites University.

Dagdag pa ng aktres, “Dapat may awareness, dapat parehas tayong ready para walang sisihan.”

Ayon pa sa aktres, kahit nakikita niyang may mga anak na ang mga kaibigan niya ay naiintindihan niya ang responsibility na kailangan sa pag-aalaga sa mga ito.

“Buhay 'yun e, 'di ba, hindi lang 'yun parang nag-alaga ka ng plant tapos didiligan mo lang. Ang dami mong kailangang gawin para mabuhay 'yung bata,” sabi ng aktres.

Dagdag pa ni Glaiza, “Na-observe ko rin sa kanila (friends), tapos parang laging tumatakbo sa isip ko na 'shocks, kaya ko ba? Parang hindi pa yata.'”

Ibinahagi rin ni Glaiza na isa sa mga rason kung bakit hindi pa sila ready ni David magkaanak ay dahil sa long distance relationship nila ngayon. Habang nasa Pilipinas siya ay nasa Ireland naman ang kanyang asawa.

“We're also trying to figure out kung paano pa kami magmi-meet kasi sa ngayon, ang set-up namin, punta dun, ang gastos. Punta ka dun, tapos punta siya dito, tapos once in a while, punta ako dun,” sabi nito.

Nilinaw naman ng aktres na gusto pa rin niyang magkaanak, at ipinahayag na masaya siyang nauna ang mga kaibigan niya dahil makakahingi siya ng payo sa mga ito.

“Siyempre, iba 'yung nanay. Iba 'yung nanay ko, iba 'yung mga sisters ko, pero kasi ito, mga kaidaran ko talaga e, so parang nag-iba na rin 'yung dynamics ng pagiging parent ngayon,” sabi nito.

Nagkakilala sina David at Glaiza noong 2018 at ikinasal sa Ireland noong 2021 sa isang traditional Celtic wedding. January 2023 naman nang ikasal ang dalawa sa Pilipinas.

SAMANTALA, TINGNAN ANG PAGBISITA NI GLAIZA SA EUROPE KASAMA ANG KANYANG HUBBY NA SI DAVID: