Showbiz News

WATCH: Ang surrogate mother ng mga anak ni Joel Cruz

By Jansen Ramos

Sa ikalawang pagkakataon, muling nakapanayam ng Tunay Na Buhay ang entrepreneur at tinaguriang "Lord of Scents" na si Joel Cruz.

Sa November 14 episode ng programa, ikinuwento ng fragrance mogul kung anu-ano ang kanyang mga pinagdaanan para magkaanak.

Nitong nakaraang November 6 lamang ay ipinanganak ang eighth surrogate baby niya sa Russian na si Lilia.

"Physically, she's mga 5'11, kahawig niya si Julia Roberts," paglalarawan ni Joel sa surrogate mother ng kanyang walong anak.

Ibinahagi niya kung paano niya ito nakilala at ipinaliwanag ang proseso ng surrogacy sa Russia.

Saad ng long-haired entrepreneur, "Legal sa Russia ang [surrogacy para sa] single father [at] single mother."

"Supposedly, pupunta ako ng Ukraine, [pero] buti kamo hindi ako nakaalis kasi sa Ukraine, it's not legal ang mga single father and single mother, dapat couple sa kanila, 'yung married. But Ukraine [agency] mismo ang nagsabi nun na "you better go to Russia."

Ikinuwento rin ni Joel ang ginawang pagtulong ng abogado na pinangalanan niyang Constantine para matupad ang kanyang pangarap na magkaanak.

Saad niya, "It's a lawfirm na ang contact ko is a lawyer, si Constantine. And once you meet Constantine, tatanungin ka niya kung bakit gusto mong magkaanak."

"First interview, nakapasa ako sa interview, na tutulungan nila ako. In fact, umiyak pa nga ako dahil ang tagal-tagal ko nang gusto magkaanak. Then finally, sinabi na we will help you. Doon ako medyo naiyak kasi magaling din sila, mahal lang pero magaling sila," lahad ni Joel.

Magkano kaya ang ginastos ng fragrance mogul para rito?

Bahagi niya, "Initially, you have to pay six million pesos, 'yun 'yung pag-accept ng program."

"Hindi sila titigil hangga't hindi ka nagkakanak. But of course, you have to pay for the extra procedures [na] umaabot ng 12 million pesos." patuloy niya.

Ipinanganak ang first pair of twins ni Joel na sina Prince Sean at Princess Synne noong September 2012. Nasundan ulit ito ng panibagong pair of twins na sina Prince Harry at Prince Harvey na isinilang noong October 2015. Ang third pair naman na sina Charles at Charlotte ay ipinanganak noong May 2017. At ang kanyang seventh child na si Zeid ay isinilang noong July lamang.