Showbiz News

WATCH: DongYan reveals why they came up with a YouTube channel

By Jansen Ramos

Pinasalamatan ng Kapuso royal couple Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang fans sa success ng kanilang YouTube channel na The Dantes Squad.

The Dantes Family

May mahigit 267,000 subscribers na ang Dantes family kahit dalawang buwan pa lang ang nakakalipas nang una silang mag-post ng kanilang vlog.

Sa kanilang latest vlog na pinamagatang Chikahan with DongYan, ipinaliwanag nila kung bakit sila gumawa ng YouTube channel.

Kuwento ni Marian, "Ibalik naman natin sa kanila 'yung pagmamahal dahil lagi ko ngang sinasabi, kung wala kayo, walang DonYan talaga, at may bonus pa dahil may Zia at may baby boy na paparating. Kaya maraming, maraming salamat po sa pagmamahal na ibinibigay n'yo sa amin, sa lahat ng subscribers namin na gustong makita kung ano kami behind the camera na hindi kami as artista na kami as family."

Dagdag pa ni Dingdong, "Gusto din naming i-share 'yung mga simple joys namin as a couple, as a family. And we also want to share positivity dahil, siyempe, 'pag sinabi n'yong social media, minsan nagiging toxic, 'di ba? Minsan ang daming nagyayari, so good vibes lang. Kung ano 'yung mga bagay na interesado kami, ipapakita namin sa inyo."

Open din ang DongYan sa suggestions kung anong activity ang gustong makita ng kanilang subscribers.

"We want to make this more interactive. Dito sa comment section, d'yan sa baba, sulat n'yo 'yung mga gusto n'yong makita. Maybe baka may masa-sugggest kayo na episodes, mare-recommend na pwede naming gawin," saad ng Cain at Abel actor.

Panoorin ang kanilang vlog dito: