Showbiz News

Sunshine Cruz, nagsalita tungkol sa relasyon ng mga anak sa ama nilang si Cesar Montano

By Aedrianne Acar

Laging ipinapaala ni Sunshine Cruz sa tatlo niyang anak na sina Angelina, Samantha, at Chesca na maging maunawain kung busy man ang kanilang ama na si Cesar Montano.

IN PHOTOS: Sunshine Cruz and daughters look like living Korean dolls in Korea


Ito ang naging sagot ng celebrity mom nang tanungin kung “in good terms” ba ang mga anak niya sa kanilang biological father.

Paliwanag ni Sunshine, “Tbh I teach my girls to just always understand him and the situation. Nagpaparamdam ang tatay nila once a year or minsan wala pa but then again it's fine.

“The girls are smart enough to understand na meron syang ibang pinagkakaabalahan.

"Andito naman ako palagi for them. I think that alone is enough for them. Knowing I am here for them always.😊 Happy Holidays."

Matatandaan na nag-file ng annulment si Sunshine Cruz sa dating asawa noong April 2014 at sumang-ayon naman ang Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa petition ni Sunshine noong September 2018.

Ngayong taon, ibinasura ng QCRTC ang motion for reconsideration ng Office of Solictor General na ipawalang bisa ang kasal ni Sunshine at ni Cesar.

Saad niya sa kanyang Facebook post, “I learned that the MR filed by OSG was denied. Thank you, Lord! Finally! Totoo na talaga! It was not easy and it took us 5 years but I finally got what I wanted and what I deserve."