Showbiz News

Alden Richards, emosyonal nang maalala ang kapatid na nurse sa California ngayong may COVID-19 threat

By Bianca Geli

Naging emosyonal si Alden Richards nang mapag-usapan sa 24 Oras report ang kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki na isang nurse sa California.

Alden Richards

Kasalukuyang nasa “lockdown” ang California laban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ulat ni Aubrey Carampel, nagpasalamat ang Asia's Multimedia Star sa frontliners sa pagbubuwis ng buhay para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“Maraming-maraming salamat po sa pagsasakripisyo ng buhay niyo para sa kaligtasan naming lahat, hindi biro na labanan itong isang kalaban na hindi natin nakikita, pero nandiyan kayo from military to police to barangay tanods, to doctors, to nurses--my heart goes to them.”

Dingdong Dantes, nananawagang maging tapat sa mga health workers

Nang mabanggit ang kaniyang kuya, naging emosyonal si Alden nang alalahanin ang pag-uusap nila ng kapatid. "Pinipilit ko siya na huwag nang pumasok kasi naka-lockdown sila but sabi niya sa 'kin kawawa 'yung mga pasyente."

Natigilan si Alden habang pinipigilan ang luha. Aniya, "Naiyak tuloy ako."

"I feel for him kasi kailangan niyang gawin 'yung trabaho sa community," saad niya.

Rocco Nacino spends 33rd birthday "boosting the morale" of COVID-19 frontliners

Panalangin ni Alden, "Sana matapos na 'to, 'yun na lang talaga 'yung pinagdadasal nating lahat."

Nagbigay ng food packs si Alden bilang donasyon sa frontliners sa kaniyang hometown na Biñan, Laguna. Kasalukuyang kasama niya ang kaniyang pamilya sa enhanced community quarantine sa Luzon.

Sheryl Cruz warns public: "Bawal magsinungaling"

Pahayag ni Alden, "Life is short, hindi tayo sigurado kagaya nitong COVID-19 parang akala natin ganun-ganun lang 'yung virus pero it's taking a toll in all of us,"

Panoorin:

Baeby Baste asks people to stay at home and pray amid COVID-19 pandemic