Showbiz News

Mahal sa buhay ng comedienne na si K Brosas frontliner sa Italy

By Cara Emmeline Garcia

Matindi ang dasal ng comedienne-singer na si Carmela Brosas o mas kilala sa K Brosas para sa mga pamilya niya ngayon na nasa Italy na isa sa mga bansa na may pinakamalaking kaso ng COVID-19.

Base sa huling na datos na nakuha ng aljazeera.com, may mahigit sa 100,000 na katao ang na-infect ng coronavirus sa bansa na ito.

LOOK: K Brosas, may pasilip sa ipinagagawang bahay

Sa Instagram post ni K, ibinahagi niya na ang kanyang Ate Emily ay isang registered nurse sa Italy.
"This is my ate emily, a registered nurse SA italy.. actually buong family ko nasa italy matagal na.. bigla akong na sad.. pls pray for our hardworking health workers/frontliners "


Maraming nag-komento sa IG post na ito ng comedienne at lahat ay ipinagdadasal ang kaligtasan ng kanyang Ate Emily.


Samantala, kahit naka-isolate sa kanyang bahay, pinipilit din ni K Brosas na tulungan ang mga frontliners dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdo-donate ng personal protective equipment sa mga ito.

Sa inilabas ng datos ng Department of Health (DOH) kahapon March 30, may 1, 546 cases of COVID-19 na sa bansa at 42 naman ang naka-recover.

MORE ON THE CORONAVIRUS UPDATE:

Filipino celebrities and politicians who tested positive for COVID-19

HEROES: The fallen doctors who fought against COVID-19

IN PHOTOS: Celebrity couples na tumulong sa COVID-19 crisis