
Enjoy ni Yasmien Kurdi ang pagiging ina sa kanyang anak na si Ayesha.
Aniya, natutunan niya lalong maging selfless at i-appreciate ang mga simpleng bagay noong bumuo siya ng sariling pamilya.
"Nakakapagluto ako para sa mga mahal ko. Unlike dati, kapag nagluluto ako para lang sa sarili ko pero 'pag mommy ka, iisipin mo lagi 'yung family mo, 'yung anak mo. And 'yung mga simple joys in life na hindi mo ma-explain," bahagi ni Yasmien sa isang Skype interview ng GMANetwork.com
Seven years old na si Ayesha.
Handa ba si Yasmien at kanyang pilotong asawang si Rey Soldevilla na sundan ang anak?
Sagot niya, "In God's will. Alam mo, we'll be very happy kung magkakaroon kami ng baby number two. Siyempre, blessing 'yan."
Dagdag pa ni Yasmien, wala pa silang partikular na gustong bilang ng anak.
Gayunpaman, maluwag nilang tatanggapin kung ilan man ang ibigay ng Diyos.
Sambit ni Yasmien, "Ang hirap din kasi magplano ng ganyan so kung ano lang 'yung ibigay ni Lord, e 'di tatanggapin mo. Masaya ka kung ano man ang ibigay ni God sa 'yo."
Ikinasal si Yasmien kay Rey sa isang civil ceremony, ilang linggo bago isilang ng aktres ang kanilang anak na si Ayesha noong November 22, 2012.
Like mother, like daughter: Yasmien Kurdi and Ayesha
Yasmien Kurdi payag bang pumasok sa showbiz ang anak?
EXCLUSIVE: Yasmien Kurdi, worried ba para sa asawang piloto 'pag balik-trabaho na?