Showbiz News

Donna Cruz says no bad blood between cousins Sheryl, Geneva, and Sunshine

By Cara Emmeline Garcia

Ilang araw bago ang kanilang nalalapit na virtual reunion, ibinahagi ni Donna Cruz ang isang litrato nilang magpipinsan na sina Sheryl, Geneva, at Sunshine noong 1995 kaya naman hindi niya napigilang magbalik-tanaw sa dekada na iyon.

Ani ng aktres, “Akala ko isa lang ang masasabi ko pagkakakita ko sa kuha namin 4 na cousins dito, pero tatlo pala.

“1. Kamukha namin mga anak naming babae nung mga bagets pa kami. 2. Nakakaaliw na aang mura ng magazine noon; and 3. I love my cousins mula noon hanggang ngayon at habang buhay.”

Ayon kay Donna, ang kanilang hectic schedule sa showbiz ang dahilan kung bakit sila hindi nagkikita ngunit wala naman dahilan para magkaroon sila ng away magpipinsan.

Inihayag pa niya na mas importante sa kanila ang pamilya kaya kahit magkakalayo ay nariyan sila para sa isa't isa.

“Hindi po kami madalas magkita pero wala pong problema sa amin.

“Nauna at maaga po talaga naging busy si Ate Sheryl sa work (at super sikat) while kami po talaga ang sabay-sabay lumaki nina Gen, Shine, at iba pang cousins namin [na sana makasama rin namin sa pagkanta sa mga susunod pang pagkakataon]. We respect and love each other [we always will] no matter what.

“Siyempre po minsan kailangan din intinsihin na hindi palaga puwede sa schedule. May mas busy, marami trabaho, at nalayo sa isa't isa. Pero pag kailangan, nandito lang po kami for each other, always po 'yan.

“Love and miss you all mga pinsan ko.”


Noong nakaraang June 4, nagpasaya online ang magpipinsang Donna, Sunshine, at Geneva Cruz nang kantahin nila ang “You're In Love,” na orihinal na kinanta ni Wilson Phillips noong 1991.

Kuwento ni Donna sa Instagram, “Before pa po, sa Cruz bands ng mga titos and titas namin, na gabi-gabi po ay may tugtog or gig sa mga hotels sa Manila, kumakanta na po kaming magpipinsan ng may harmony because we all grew up together [halos magkaka age po kami].

“Watching our ates, titos and titas sa mga Cruz bands na ang ganda at sarap pakinggan pag sabay kumanta at may voice blending kaya may influence na po talaga nila sa musika at pag awit.”

Natupad din po ang isa sa mga matagal ko nang gustong mangyari ulit! 🥰 Thanks Gen and Shine for inviting me to perform/sing a trio with you 👸🏻👸🏻! Before pa po, sa mga Cruz bands ng mga titos and titas namin (dad ni Gen po guitarist and singer - Tito Boyet and dad ni Shine po keyboardist, singer and band leader ng 747 band - Tito Danny Cruz 🙏🏼) na gabi-gabi po, may tugtog or gig sa mga hotels sa Manila, kumakanta na po kaming magpipinsan ng may harmony because we all grew up together (halos magkaka age po kami 😊) watching our ates, titos and titas sa mga Cruz bands na ang ganda at sarap pakinggan pag sabay kumanta at may voice blending kaya may influence na po talaga nila sa musika at pag awit. 😊 So ito po, para sa inyong lahat, para sa mga nag request (susunod po with Ate Sheryl na naka chat na namin kaya mag prepare na din at excited na! Thanks, Ate @officialsherylcruz 🥰!), sana po magustuhan niyo. We would also like to thank our guitarist, video editor and producer - Mr. Mark Flores and his fellow talented musicians for making our 🎶 virtual reunion performance possible! 🥰❤️ Guitar/Video Editing/Vocal Mixing: Mark Flores (IG @markflo) Keyboards: Patrick Rivera (IG: @pianistpat Bass: Keisey Hicban (IG @keisey_hicban) Drums: Krister Castro (IG: @kristercastro) Thank you! 🥰❤️ Ang galing niyo!!! 👏🏼👏🏼👏🏼 #ProudToBePinoy 🎶 🎼 🎵🇵🇭 #Cruzinhood #cousinhood @genevacruzofficial @sunshinecruz718 You're In Love (by Wilson Phillips) 🎶❤️🥰

A post shared by Donna Cruz Y. Larrazabal (@donnacruzylarrazabal) on


Sheryl Cruz to reunite with cousins Sunshine, Geneva, and Donna Cruz

BattleOfTheBods: Sexy photos of cousins Sheryl and Geneva