Showbiz News

Paolo Contis, may pasilip sa kanyang Father's Day 2020 celebration

By Maine Aquino

Puno ng tawanan at happy family bonding ang Father's Day celebration ni Paolo Contis.

Sa kanyang video, ipinasilip ni Paolo kung paano sila nag-celebrate nina LJ Reyes, Aki at Summer ng Father's Day ngayong 2020.

Dahil may COVID-19 pandemic at kasalukuyang naka-GCQ ang Metro Manila, mas simple ang kanilang ginawa ngayong taon. Mas importante umano ay healthy at safe ang kanilang pamilya.

Mayroon ding kakaibang twist sa video na ito, Saad ni Paolo, "Father's Day diba? Bakit niyo pinag-didiskitahan yung shirt ko?? Inaano ba kayo?? Watch hanggang dulo para ma gets niyo! "




Paolo Contis says Baby Summer and LJ Reyes resemble Serena Dalrymple

IN PHOTOS: Paolo Contis and baby Summer's adorable moments