Showbiz News

Paolo Contis at LJ Reyes, aminadong namana ni Baby Summer ang humor nila

By Dianara Alegre

Isa sa mga kinaaaliwang celebrity baby ngayon ang bibo at cute na cute na anak nina Kapuso couple Paolo Contis at LJ Reyes na si Baby Summer.

Hindi lang kasi kakulitan ang namana ni Summer sa kanyang parents, pati talento ng mga ito sa pag-arte ay nakuha rin niya.

Mapapansin ito sa ilang skit at videos na in-upload ng Bubble Gang comedian sa kanyang social media accounts.

Ang mga panibagong feature nina baby Summer at kuya niyang si Aki ang laging inaabangan ng fans nina Paolo at LJ sa kanilang YouTube vlogs.

“What I do kasi, nire-record ko lang naman siya lagi. Pero ngayon ano na talaga…sumusunod, nauutusan kasi siya, e,” sabi ni Paolo.

Pero ang laging tanong ng fans, kanino nagmana si Baby Summer?

“Ako, nu'ng bata kasi ako, sobrang bibo talaga ako. Tapos, siya rin naman pero more of parang 'yung humor ni Paolo, 'yung nakuha niya, 'tapos 'yung pagkabibo nu'ng bata. So, parang feeling ko nag-combine,” ani LJ.

LJ Reyes to Baby Summer: 'Your energy keeps our home alive in this difficult time'

Pero sa kabila ng good vibes na dala ng pamilya sa kanilang mga tagahanga ay hindi pa rin sila nakaligtas sa bashing.

Matatandaang may netizen na nang-insulto kay baby Summer at hindi naman ito inurungan ng aktor.

“'Di baleng may sabihin kayong hindi maganda sa amin, okay lang.

"Pero 'pag anak mo, siyempre, ayaw mo 'yun. You would never think people would think of any bad things about a child,” ani LJ.

Paolo Contis at LJ Reyes, dismayado sa panlalait ng isang netizen kay Baby Summer
https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/63088/paolo-contis-at-lj-reyes-dismayado-sa-panlalait-ng-isang-netizen-kay-baby-summer/story?amp

Paolo Contis, galit na galit sa nang-insulto kay Baby Summer

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on

Samantala, pagdating naman sa pagpapapalaki sa kanilang mga anak, ibinahagi ni LJ na tinuturuan niya ang panganay na si Aki na huwag masilaw sa kasikatan.

“Si Aki, very aware na siya like tinitingnan niya kung ilan na 'yung followers namin.

"So, we always remind him na that's just a number. What's important is how you use your channels, your social media pages to influence other people,” dagdag pa niya.

Panoorin ang buong 24 Oras report: