Showbiz News

Dawn Zulueta sa online classes ng kanyang anak: 'Bakit parang ako naka-enroll?'

By Dianara Alegre

Gaya ng ibang mga magulang, nangangapa rin si award-winning actress Dawn Zulueta sa bagong set up ng pag-aaral ng kanyang mga anak.

Ngayong araw, Agosto 24, ibinahagi niyang nagsimula na ang virtual education kanyang mga anak.

Ayon sa aktres, tila para na rin siyang naka-enroll dahil katuwang siya ng anak niya na sinusubukan ding mag-adapt sa makabagong paraan ng pag-aaral.

Kasabay nito ang pagpo-post niya ng larawan na nakaupo sa study space ng mga anak niya.

Aniya, “Today, our children began their virtual education.

"Making world history in 2020's 1st day of school online distance learning, on a global scale.”

“Ignore the overeager troubleshooting mother. Bakit parang ako naka-enroll?”

Marami sa kanyang followers ang nagkomento na kagaya rin daw niya sila na nag-a-adjust din sa online schooling ng kanilang mga anak.

Nagsimula nang magbukas ng klase ang ilan sa mga pribadong eskwelahan sa bansa ngayong Agosto para sa school year 2020-2021, habang ang mga pampublikong paaralan ay nakatakda namang magbukas ng klase sa Oktubre 5.

Upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ipinagbawal ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes at ipinatutupad ang distance schooling, kung saan sa bahay na lamang muna mag-aaral ang mga estudyante nang may paggabay pa rin mula sa kanilang mga guro, lalo't higit ng kanilang mga magulang.