Showbiz News

Marian Rivera reacts to pregnancy rumor involving Dingdong Dantes

By Bianca Geli

Nagsalita na si Marian Rivera tungkol sa bali-balitang buntis umano ang aktres na si Lindsay de Vera at ang itinuturong ama ay ang asawa ng una na si Dingdong Dantes.

Nagkasama noon sina Dingdong at Lindsay sa dating primetime series na Alyas Robinhood (2016)

Sa ginanap na online press conference na inihanda ng Walter Mart para sa endorser nilang si Marian, inihayag ng aktres ang kanyang reaksyon sa isyung ito.

“Wala nga, e. Dedma lang ako," sabi ng Tadhana host.

“Alam niyo, nag-aasaran lang kaming dalawa.

"Sabi nga niya [Dingdong], 'Nakita mo ba yung chismis sa akin?' Sabi ko, 'Oo, nakakatawa.'

“Tawang-tawa talaga ako. 'Tapos niloko ko siya, sabi ko, 'Ano ba 'yan, ang daming buntis-buntis.'

"Sabi ko, 'Beke nemen, baka ako ang susunod diyan. 'Tapos tawa siya nang tawa."

Naging mas prayoridad daw ni Marian ang kanyang pamilya simula ng nagkaroon ng pandemya.

Aniya, "Sa mga nangyayari sa atin sa mundo ngayon, parang ito yung wake-up call mo na, ano ba talaga ang prayoridad mo, ano talaga ang importante sa 'yo.

"At malinaw sa atin na ang pamilya ang pinakamahalaga sa lahat ng nangyayari sa mundong ito."

Dagdag pa niya, "Pero siyempre, sa ngayon, kung ano ang meron sa amin ni Dong ay pinagpapasalamat namin at pinagtitibay namin lalo na at may dalawa kaming anak.

"The mere fact na nagpakasal kaming dalawa, malinaw sa aming dalawa kung ano ang gusto naming mangyari sa buhay.

“Nagpakasal kami, humarap kami sa Panginoon.

"Sumumpa kami na sa hirap at ginhawa ay magkasama kaming dalawa, tutuparin namin yun hanggang sa nasa kabilang buhay kaming dalawa.”

Nang tanungin naman kung may balak na sila ni Dingdong magkaroon ng isa pang anak, sagot ni Marian, "Sabi ko nga, kahit ano namang gawin niyo kung hindi naman ibibigay ng Panginoon sa inyo wala naman kayong magagawa.

"Pero sa ngayon, maraming pagkakataon na may iba pa kaming kailangan gawin.

"Ang dami ko pang trabaho na kailangan gawin.

"Si Sixto wala pang two years old, so hintayin ko muna 'yun.

"'Tapos kay Zia, sobrang busy pa namin sa school.

"Pero kung ibibigay, bakit hindi. 'Yan ay napakalaking biyaya."

Nauna nang nagsalita na rin si Lindsay tungkol isyu sa 24 Oras noong nakaraang linggo.

Dito, nilinaw niyang hindi siya buntis at walang namagitan sa kanila ni Dingdong.

Nagbabalak na rin daw siyang magsampa ng kaso laban sa mga nagpakalat ng tsismis at handang harapin ang kung sino mang nagumpisa ng mga maling balita.

Samantala, tingnan ang nakatutuwang daddy moments ni Dingdong sa mga anak niyang sina Zia at Sixto sa gallery na ito: