Showbiz News

Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, pinag-usapan ang kanilang ipon at investments

By Maine Aquino

Sa bagong vlog ni Carmina Villarroel ay sinamahan siya ng kaniyang asawa na si Zoren Legaspi para pag-usapan ang ilang assumptions ng kaniyang followers.

Isa sa mga ito ay tungkol sa ipon at investments ng mag-asawa.

Game na game naman sumagot ang Kapuso celebrity couple sa mga tanong.

Isa sa mga naging topic nila ay tungkol sa pagha-handle ng pera at investments. Ayon sa ipinadalang assumption ay magaling raw humawak ng pera si Carmina.

Paglilinaw ni Zoren, "Magaling ka magtago pero hindi ka magaling humawak ng pera. Kaya mo siyang itago pero hindi mo siya kayang palaguin."

Agad namang sumang-ayon si Carmina sa sinabi ni Zoren. Saad ng Sarap, 'Di Ba? host, "I agree naman. It's your job... buti na lang kasi wala akong alam sa mga pagi-invest sa mga ganyan."

Ikinuwento pa ni Zoren na nagiging nerbyosa at paranoid ang kaniyang asawa pagdating sa kanilang mga pera.

"Diyan pumapasok ang pagiging nerbyosa, paranoid. Sinasabi niya 'Mawawalan tayo ng pera, bakit ka nag-invest sa ganon?'"

Idiniin naman ni Carmina na siya ang tipo ng tao na gustong nakikita ang naitabi niyang naipon na pera.

"Ang hirap kaya mawalan ng pera. Ako kasi naniniwala ako doon sa basta ayokong nawawalan ng cash on hand ba 'yun tawag doon? 'Yung liquid."

Photo source: Carmina Villarroel (YouTube)

Isa pa sa pinag-usapan ng celebrity couple ay kung good mother ba si Carmina.

Pag-amin ng aktres, sinusubukan niya ito para sa ikabubuti ng kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

"I want to believe that I am a good mother but I am still trying to be the best mom for the twins. Kasi when you say best I think that is being perfect already."

Naniniwala naman si Carmina na ang kaniyang mga anak ang nararapat na sumagot nito.

"Dapat siguro 'yung kids 'yung tatanungin natin diyan pagdating sa pagiging good mother."

Tinanong naman ni Carmina si Zoren kung isa ba siyang mabuting ina sa kanilang mga anak.

Sagot ni Zoren, "Hindi. You're a great mother."

Panoorin ang kabuuan ng kanilang sweet at makulit na video:

Tingnan ang Batangas rest house ng Legaspi family sa gallery na ito: