Showbiz News

Carmina Villarroel, nag-react sa mga tumatawag sa kaniya ng 'OA, maarte, at sosyal'

By Maine Aquino

Diretsahang sinagot ni Carmina Villarroel ang ilang assumptions ng mga tao sa kaniya tulad ng pagiging OA (overacting), maarte, at sosyal.

Ilan lamang ito sa mga assumptions ng followers ni Carmina na kaniyang sinagot sa bagong video na mapapanood sa kaniyang YouTube channel.

Unang sinagot ni Carmina ang assumption na siya ay isang sosyal pero may down to earth na personalidad.

Tanong ni Carmina, "Sosyal ba ako? Hindi ko alam kung sosyal ako pero parang hindi naman yata."

Dugtong ni Carmina, naniniwala siyang totoo ang assumption na down to earth siya na tao.

Photo source: @mina_villarroel

"Down to earth; I want to believe that I am down to earth na kahit sa tingin mong artista ako or kung ano man 'yung mga success na nakukuha ko. I am so grounded, hindi ko nilalagay sa isip ko na 'uy artista ako or 'yung Legaspi family mga artista kami. Wala kaming ganon."

Saad ni Carmina, sa likod ng kamera, ordinaryong pamilya lamang sila nina Zoren, Mavy, at Cassy Legaspi.

"Off cam we're just ordinary, normal people. Yeah, I'm down to earth. I want to believe. Sosyal, parang hindi yata."

Isa pang sinagot ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition host ay ang assumption ng mga tao na maarte siya.


Diretsong sagot ni Carmina, "Oo. Maarte ako pero hindi 'yung maarte na nakakainis o nakakairita or 'yung maarte na parang malandi, ganon. Maarte ako sa ibang bagay tulad ng pag-inom ng gamot, or 'pag may nakakadiring bagay, ayan madiriin ako. Kung masasabi ninyong maarte, puwede maarte ako sa ganon."

"Like I said maarte not in a negative way."

May natanggap ding assumption si Carmina na siya umano ay OA or overacting.

Pag-amin ni Carmina, "OA ako sa kalinisan, OA ako sa pag-organize ng stuff, OA akong mag-react."

Para sa Kapuso star, siya ay OA sa iba't ibang mga bagay, pero hindi in a negative way.

"I want to believe na OA naman ako pero also not in a negative way."

Panoorin ang assumptions vlog ni Carmina mula sa kaniyang YouTube channel


Tingnan ang mga designer bags at mga kuwento ni Carmina tungkol rito: