Showbiz News

Ziggy Dantes, cute na cute sa pagkanta ng 'Bahay Kubo' at 'Ako Ay May Lobo'

By Aimee Anoc

Cute na cute ang 2-year-old na anak nina Primetime King Dingdong Dantes at Primetime Queen Marian Rivera na si Jose Sixto "Ziggy" Dantes IV habang kinakanta ang "Ako Ay May Lobo" at "Bahay Kubo" sa Instagram stories na ibinahagi ni Marian kahapon, July 18.

Makikita sa video na hawak ni Ziggy ang mic habang sumasabay sa mga kantang pambata. Seryoso at mapapansin na kabisado na rin ni Ziggy ang mga kanta.

Sa Facebook page ni Marian, mayroon ng mahigit 1 million views, 86,000 likes, at 1,200 comments ang video na ito ni Ziggy habang kumakanta.

Marami namang netizens ang natuwa sa talento na ito ng anak nina Marian at Dingdong.

"Wow! Ziggy you are amazing and awesome. At your age, you can sing Bahay Kubo! Good job Ziggy! You are so cute, adorable and precious! Love Dongyan Family!" pagbabahagi ni netizen Emmy Derveer.

"So proud naman Ziggy. May pinagmanahan. Someday, Ziggy he was a great singer," sabi naman ni Jaime Tamio.

"Very good ziggy nakakatuwa naman bihira na kasi ngayon ang kumakanta ng bahay kubo sa ganyang kabatang edad... love u ziggy!" paghanga ni Eva Caoile.

"Nakakaaliw at nakakatuwa hindi ko mapigilan mapangiti habang kumakanta ka baby sixto galing mabuti talaga pagpapalaki ng DADA at mommy n'yo. GOD BLESS DANTES FAMILY," sabi naman ni Ljk Aicrag.

Samantala, kinagiliwan din sa Facebook ang larawan ni Ziggy habang kumakain ng ice cream na mayroon na ngayong mahigit 73,000 likes at 204 shares.


Balikan ang ginanap na celebration ng Dantes family para sa 2nd birthday ni Ziggy noong April sa gallery na ito: