Showbiz News

Robin Padilla, nilinaw ang viral statement niyang 'Di ako naniniwala na mayroong lalaki na makatatanggi sa tukso'

By Aimee Anoc

Dinepensahan ni Robin Padilla ang sarili sa mga taong nanghusga sa kanya kasunod ng viral statement nito na may kinalaman sa tukso.

"Tsaka sa panahon ngayon, huwag tayong maglokohan, pare. 'Di ako naniniwala na mayroong lalaki na makatatanggi sa tukso,” isa sa pahayag ni Robin sa panayam kay Ogie Diaz nang kumpirmahin ang hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Noong July 21, nilinaw ni Robin ang pahayag niyang ito sa vlog ng kanyang asawa na si Mariel Rodriguez at sinabing base ito sa kanyang karanasan.

“Ako, e, nagsasalita sa aking experience. Experience 'yon nu'ng ako ay nasa tugatog ng aking kasikatan. Ang tukso ay reyalidad. Kasama sa everyday life," sabi ni Robin.

Nang tanungin ni Mariel kung may pagkakataon ba sa kanilang rekasyon na natukso ito, pabirong sagot ni Robin, "Pinapayagan mo naman ako tumingin-tingin.”

Seryosong dagdag ng aktor, “Hindi lahat ng tukso ibig sabihin you fell for it.”

Ipinaparating din ni Robin sa lahat ng tao na nanghusga sa kanya sa sinabi niyang ito na panoorin muna ang buong interview.

“Iintindihin nila muna bago nila ako huhusgahan, kasi ang iba hindi naman nila napanood nang buo 'yung interview. Du'n lang sa caption, binanatan na 'ko nang sobra-sobra,” paliwanag ng aktor.

“Ibig kong sabihin hindi ka dapat umabot sa punto na 'yon, 'di ba? Hindi porke't sinabi na natukso ka, e, may ginawa ka na. Ang sama naman mag-isip ng mga 'yon. Napakamasyado ka nang forward," dagdag pa nito.

Ibinahagi rin ni Robin kung ano para sa kanya ang katapatan.

“Kasi, hindi ipinagyayabang ang pagiging loyal. Ang pagiging loyal ay ginagawa, hindi 'yun sinasabi. Pagkamasyado kang talkies, baka kulang sa walkies,” sabi ni Robin.

“Huwag tayong masyadong defensive. Huwag tayong masyadong feeling guwapo. Kasi 'pag masyado tayong feeling guwapo na, 'Di. Kaya ko 'yung mga temptasyon. Di. Kaya ko 'yon,' delikado 'yon.' Kelangan lagi tayong humble lang," pagpapaalala ng aktor.

“Mahirap maging masyadong humble. 'Pag mayabang, (sasabihin) saksakan nang yabang. 'Pag bumanat ka nang humble, masama ka naman tao,” dagdag pa nito.

Samantala, balikan sa gallery na ito ang love story nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez: