GMA Logo aiai delas alas
What's Hot

Aiai Delas Alas, tinuturing na blessing ang layover sa Manila dahil nakasama pa niya ang ina bago ito pumanaw

By Jansen Ramos
Published July 7, 2022 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


Pumanaw ang adoptive mother ni 'Raising Mamay' lead star Aiai Delas Alas ilang araw lamang matapos niya itong bisitahin sa Pilipinas.

Grateful ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas na nakasama niya ang kanyang adoptive mom na si Justa Delas Alas kahit sa sandaling panahon bago ito pumanaw sa edad na 93.

Matatandaang nagkaroon ng layover sa Maynila mula US noong Hunyo ang aktres bago tumungong Japan para sa post-celebration ng 124th Philippine Independence Day sa Tokyo. Bumalik din si Aiai sa Estados Unidos ilang araw matapos ang event.

Bahagi niya sa virtual interview ng GMANetwork.com ngayong July 7, "Buti na lang kasi nag-Japan ako. June 16 ako dumating diyan sa Manila 'tapos no'ng 16 dapat layover lang ako 'tapos pupunta na 'ko ng Narita 'tapos nagkaroon ng problema 'yung, ano ko, parang blessing na rin siguro na makita ko 'yung nanay ko saka 'yung anak ko rin."

Para kay Aiai, blessing in disguise ang pagkakaroon ng aberya sa kanyang COVID-19 RT-PCR test bago lumipad ng Japan.

"Nagkaroon ng problema 'yung RT-PCR ko kasi wala siyang Japanese version dapat meron kasi hindi ina-accept 'pag English lang 'pag sa Japan. So kailangan ko pa ulit magpa-RT-PCR ng Japanese version so lumabas muna 'ko ng Manila. No'ng bumalik ako [ng Pilipinas] talagang lalabas ako ng Manila kasi dadalawin ko 'yung mother ko."

Pumanaw ang kanyang "inay" ilang araw lamang matapos niyang bisitahin ito sa Pilipinas.

Umiiyak na bahagi ni Aiai, "Siguro nasa bereave or nalulungkot pa rin siguro 'ko kasi bago pa lang e, June 22 (US time) pa lang siya nawala so 'yung mga maliliit na bagay kasi fourth of July dito kahapon so ang daming nagpapaputok so naiyak ako kasi naaalala ko siya kasi no'ng bagong taon, parati siyang may bagong damit. Kailangan meron akong gift na bagong damit n'ya, 'yung mga gano'n kasi nagtatampo siya 'pag wala, 'yung mga ganyan naaalala ko s'ya."

Idinaraan lang daw ni Aiai sa pagti-Tiktok ang kanyang kalungkutan matapos yumao ang umampon sa kanya.

"Siguro mga one and half weeks akong 'di maka-TikTok kasi feeling ko parang natatamad ako. In-acknowledge ko 'yung kalungkutan ko pero ngayon okey naman na, nakakareco-recover na kaya nag-TikTok na rin ako. Nakaka-move on, move on na."

Kasalukuyang naka-base sa San Francisco, California si Aiai at ang kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Umuuwi lamang ng Pilipinas ang batikang aktres kapag may gagawin itong proyekto.

Sa ngayon, napapanood siya sa GMA Afternoon Prime series na Raising Mamay na pinagbibidahan nila ni Shayne Sava.

Silipin dito ang buhay-abroad ni Aiai kasama ang kanyang mister: