
Isa rin ba kayo sa napasabi ng, 'Okay na to,' nang mag-guest ng TikTok star na si Mommy Grace Tanfelix sa GMA Prime series na Mga Batang Riles?
Tinutukan ang pagbisita ni Mommy Grace sa Sitio Liwanag kung saan na-meet niya ang barkada ni Kidlat na ginagampanan ng anak niya na si Miguel Tanfelix.
May pasilip din ang social media star sa Facebook, habang pinapanood niya ang guesting sa Mga Batang Riles. Sabi niya sa caption ng kanyang post, “Artista na yan!! Hahahha!!”
Tuwang-tuwa naman ang fans ni Mommy Grace na pinuri ang pagiging natural daw nito sa pag-arte.
Mayroong 13 million likes ang TikTok page ni Mommy Grace. Kamakailan ay ipinagdiwang din niya ang pag-abot ng two million followers ng kanyang FB page niya.
RELATED CONTENT Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria,
Antonio Vinzon, and other stars in 'Mga Batang Riles' mediacon: