
Masayang ipinagdiwang ni Grace Tanfelix ang bago niyang achievement sa social media.
Isang video ang in-upload niya sa kaniyang Facebook page kamakailan lang, kung saan makikitang habang nagluluto siya ay biglang may natanggap siyang good news mula sa isa sa kaniyang kasama sa bahay.
Ibinalita ng huli kay Mommy Grace na mayroon na umabot na sa 2M ang followers niya sa Facebook.
Sulat ng content creator sa kaniyang post, “Yehey! Happy 2M followers! Thank you, all.”
Mababasa sa comments section nito ang positive reactions at pagbati ng kaniyang fans, viewers, at libo-libong netizens.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 2.3 million followers si Grace sa Facebook at lalo pang nadadagdagan ang kaniyang mga tagasuporta na naaaliw sa kaniyang vlogs, kung saan tampok ang kaniyang husay sa pagluluto.
Si Grace ay mommy ng Mga Batang Riles at Kapuso actor na si Miguel Tanfelix.
RELATED GALLERY: Miguel Tanfelix photos that will make any girl's heart throb
Sa isang panayam, nagbigay ng pahayag si Miguel tungkol sa pagba-vlog ng kaniyang mommy.
“Nakaka-proud, nakaka-happy na nakikita ko 'yung progress ni mommy… happy ako for her,” sabi ng Sparkle star.
Congratulations, Mommy Grace Tanfelix!