Showbiz News

LOOK: 'Sexy Hipon' Herlene Budol, nagmodelo suot ang creations ni Leo Almodal

By Cherry Sun

Sumabak sa isang photo shoot si “Sexy Hipon” Herlene Budol habang suot ang mga creation ni Leo Almodal.

Bago pa man makilala sa Wowowin ay nagmomodelo na raw si Herlene. At sa kanyang latest photos sa Instagram ay ipinakita niya ang kanyang natural na ganda at husay sa pag-pose sa harap ng camera.

Pansin din na dala ng dalaga ang kanyang personality sa kanyang mga kuha at Instagram captions.

Hindi man nakasaad kung para saan ang ginawang pictorial, nagkaroon ng pagkakatuaon si “Sexy Hipon” na isuot ang gown na gawa ng batikang designer na si Leo.

Mas kilalanin pa si Herlene sa gallery sa ibaba: