
Ilang Sparkle stars ang nakatawag-pansin sa summer fashion show para sa isang local clothing brand.
Ilan sa Sparkle stars na nagningning sa catwalk sina Sofia Pablo at Allen Ansay ng digital series na In My Dreams, Ruru Madrid at Bianca Umali ng The Write One, Sparkle hunks David Licauco, Derrick Monasterio at Yasser Marte, pati na rin ang Kapuso actresses na sina Rere Madrid at Max Collins.
Ayon kay Sofia, “Medyo kinakabahan kasi baka mabilis mag lakad, maiwan, or baliktad, mabilis ka naman masyado, so 'yun lang po yung mga iingatan namin, 'yung pace ng lakad namin.”
Dagdag pa ni Allen, “'Tsaka nahihiya po talaga kami kasi talagang malalaking artista po 'yung kasama po namin.”
Samantala, kahit unang beses pa lang lumakad sa runway ay kita na ang kumpyansa kay Bianca Umali at nang tanungin ang aktres tungkol sa kanyang experience, “Masaya siya, super!”
Dagdag pa nito, “Hindi ko inakala na mawawala 'yung kaba ko nung nire-rehearse namin kasi hindi pala siya nakaka-kaba.”
Kabaligtaran naman ang naramdaman ng partner nito na si Ruru Madrid dahil kasama nito ang aktres.
“Kasi syempre gusto ko na parang patunayan 'yung sarili ko sa kanya,” dagdag nito.
Masaya naman ang Pambansang Ginoo na si David Licauco na makasama sa isang fashion show si Derrick Monasterio, isa sa mga matalik niyang kaibigan sa showbiz.
Nagbigay naman ng tips si Derrick sa mga kasama nilang Kapuso stars.
“Anong gagawin, pag andun ka na, anong pose ang gagawin, ano yung medyo bagay sa occasion,” sabi nito.
Nakatawag naman ng pansin ang pag rampa at kaseksihan ni Max Collins. “I've been at the beach, I've been to Boracay for like almost 2 weeks so parang being at the beach was me preparing for this summer fashion show, to be in swimwear.”
TIGNAN KUNG SINO-SINONG SPARKLE STARS ANG RUMAMPA SA NASABING SUMMER FASHION SHOW: