
Handa na ba kayo sa pinakamalupit na pagtatapos?
Mapapanood na mamayang hapon ang finale episode ng hit psychological drama-thriller series na Apoy sa Dugo, na pinagbibidahan nina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Ashley Ortega.
Sa finale teaser na inilabas ng GMA Drama ngayong Biyernes, June 19, ipinasilip ang pinakamadugong puksaan sa pagitan nina Kiara (Ashley Ortega) at Vanessa (Elle Villanueva).
Kasama rin sa gitna ng labanan ang anak ni Vanessa na si Mikay (Nicole Baker), na target ding makuha ni Kiara.
Sino kaya ang mamamatay sa pamilya Panganiban? May pag-asa pa kayang magkaayos sina Kiara at Vanessa?
Huwag palampasin ang pagtatapos ng Apoy sa Dugo mamayang hapon, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Samantala, balikan dito ang sisterhood moments nina Kiara at Vanessa bago ang madugong finale episode: