Showbiz News

Sharon Cuneta, binalikan ang kanyang 'revenge body' kay Gabby Concepcion

By Cara Emmeline Garcia

Isang seksing-seksing Sharon Cuneta ang bumungad sa fans ng Megastar ngayong hapon, March 16.

Sharon Cuneta

Sa kanyang Instagram ni-repost ng singer at actress ang kanyang “revenge body” pagkatapos niyang makipaghiwalay sa dating asawa na si Gabby Concepcion.

Aniya, “Oh my gosh! Bigla ko na naman nakita sa YouTube ito.

“This was just after my marriage fell apart. Revenge body. Hahaha!

“'Yung belt pinahiram ng isang dancer ko sa akin and it was made of stretch material kaya kanakainis mukha ako ng may bilbil when halos buto buto na ako dyan.”

Dagdag pa ni Sharon, ito raw ang kanyang pinakamagaan na timbang dahil umabot raw siya ng 109lbs sa tangkad niyang 5'6”.

“I was around 115-118 lbs? In 'Pasan Ko Ang Daigdig,' the movie I shot before this, and during which naghiwalay kami, I hit my lowest weight of 109! Eh 5'6” ako.

“At least I was kasi I think as you age you shrink and I think I shrunk! Nooooo!!! LOL.”

Ikinasal si Sharon Cuneta sa kanyang unang asawa na si Gabby Concepcion noong July 23, 1984 sa isang secret civil wedding, na sinundan ng isang church wedding sa Manila Cathedral noong September 23, 1984.

Pagkatapos ng tatlong taon ng pagiging mag-asawa naghiwalay sina Sharon at Gabby noong 1987. Mayroon silang isang anak, si KC Concepcion.

Ngayon, happily married na si Sharon Cuneta kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan, at mayroon silang tatlong anak, sina Frankie, Miel, at Miguel.

LOOK: Sharon Cuneta shares rare cuddling photos with Kiko Pangilinan

READ: Sharon Cuneta, nag-beast mode nang tawaging “toxic mom” kay KC Concepcion