Showbiz News

Kris Bernal, Valeen Montenegro, at Lovely Abella, tuloy ang pagiging fitspiration sa netizens

By Aaron Brennt Eusebio

Tuloy pa rin ang pagiging fitspiration ng Kapuso celebrities na sina Kris Bernal, Valeen Montenegro, at Lovely Abella ngayong community quarantine.

Madalas nagpo-post sa Instagram ng kanyang workout ang aktres na si Valeen.

Ayon kay Valeen, gusto niya pa rin makatulong sa ibang tao kahit na hindi siya frontliner.

“So I wanted to fix myself, fix my body, fix my mindset,” saad ni Valeen.

“Tapos I also thought na ayoko maging useless.

“So, kahit hindi ako frontliner, gusto kong may maitulong ako sa mga tao na nasa bahay lang.”

Para naman kay Lovely, natutuwa siya dahil maraming netizens ang nagsesend sa kanya ng kanilang fitness journey.

Madalas ay nagla-live sa Facebook si Lovely ng kanyang workout at meal preparations.

“Super saya ko kasi talaga sinusunod nila 'yung way kung paano 'yung diet ko,” kuwento ni Lovely.

“Kasi ang sinasabi ko sa kanila is ito 'yung experience ko, ito 'yung according sa research ko, ito 'yung according sa mga napapanood ko.

“So ina-apply ko lang sa kanila.”

Kung wala namang workout equipment sa bahay, ang solusyon ni Kris ay ang paggamit ng bag na may laman, libro, at the water bottle.

“Ang mahal din bumili ng equipment. Mas i-a-advice ko na lang na i-save niyo na lang 'yung pera niyo for other essentials,” payo ni Kris.

Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan sa 24 Oras:

Valeen Montenegro stresses importance of eating right to achieve fitness goals

Kris Bernal's workout routine using wine bottles