Showbiz News

Puno ng hugot na gelatin recipe ni Denise Barbacena

By Aedrianne Acar

Napa-hugot din ba kayo sa latest Denggay vlogs ng Kapuso comedienne na si Denise Barbacena?

Screenshot taken from Denise Barbacena Instagram account

Kakaiba ang cooking vlog ng Bubble Gang actress, dahil kahit napaka-tamis ng special maja blanca gelatin na ginagawa niya, panay naman ang hugot nito.

Sa isang bahagi ng kanyang vlog, humirit si Denise Barbacena sa panlalamig ng isang relasyon.

Hirit niya, “Kayo na ang mag-adjust kung gaano katamis ang inyong gusto, may choice naman kayo.

“Pag lumamig kasi itong gelatin, pag pinalamig siya medyo tumatabang so damihan natin ng asukal.

“So alam n'yo na lahat ng mga nanlalamig di ba nananabang. So buhos natin ito [laughs].”

Denise Barbacena serenades with her cover of Music Hero's 'KLWKN'

Denise Barbacena finally graduates from college after 10 years